Paskong Pampamilya: Isang Debosyonal para sa mga BataHalimbawa
Ang Anak na Isasakripisyo
Ni Danny Saavedra
“Anak, ang Diyos ang magbibigay niyon.” – Genesis 22:8 (NIV)
Natatandaan mo ba ang kuwento kahapon nang ang Diyos ay nagbigay ng nakababaliw na pangako kay Abraham na siya ay pagkakalooban ng anak kahit na siya ay matanda na? Alam mo kung ano ang nangyari? Natupad ang pangakong iyon!
Si Abraham ay nagkaroon ng anak na nagngangalang Isaac. Subalit, ang kuwento ni Abraham ay hindi nagtatapos doon. Isang araw, sinabihan siya ng Diyos na gawin ang isang napakahirap na bagay. Sinabi ng Diyos kay Abraham na dalhin ang kanyang anak, na mahal na mahal niya, at pumunta sa bundok upang ibigay sa Diyos bilang isang hain. Kapareho ang pakiramdam nito kung sabihan ka ng iyong mga magulang na kunin ang iyong paboritong laruan at ipamigay— hindi na muli itong makikita.
Marahil nagtataka si Abraham kung ano ang iniisip ng Diyos. Paano Niya nasabi na gawin niya ito? Tandaan, naghintay si Abraham nang napakatagal na panahon para sa kaniyang anak na si Isaac. Subalit, ang Diyos ay palaging tumutupad sa Kaniyang mga pangako at nagsabi na si Abraham ay magkakaroon ng isang malaking pamilya.
Kahit hindi maunawaan ni Abraham, nagtiwala siya sa Diyos at nanalig na Siya ay magbibigay ng tupa bilang hain sa halip na si Isaac. At ginawa Niya ito! Dahil si Abraham ay may malaking pananampalataya sa Diyos, sinabi ng Diyos sa kaniya, "Dahil sinunod mo Ako, pagpapalain kita.”
MInsan, mahirap malaman kung bakit ang Diyos ay gumagawa ng mga bagay na Kaniyang ginagawa. Subalit, may tatlong bagay na maasahan tayo: Mahal tayo ng Diyos, Siya ay mabuti, at tinutupad Niyang palagi ang Kaniyang mga pangako.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa 12-araw na espesyal na debosyonal na ito, matutuklasan natin kung paanong ang Diyos ay gumawa ng paraan upang tayo ay maging bahagi ng Kaniyang pamilya habang tinatahak natin ang daan sa talaangkanan ni Jesus.
More