Paskong Pampamilya: Isang Debosyonal para sa mga BataHalimbawa
Isang Pagpapala sa Lahat ng mga Pamilya
Ni Danny Saavedra
“Kung gayon, maliwanag na ang mga nananalig sa Diyos ang siyang tunay na lahi ni Abraham.” – Mga taga-Galacia 3:7 (RTPV05)
Isang araw, sinabihan ng Diyos ang isang taong nagngangalang Abraham na mag-impake ng kaniyang mga gamit, iwanan ang kaniyang mga magulang at ang kaniyang bahay, at lumipat sa isang malayong lugar. Nangako rin ang Diyos kay Abraham nang araw na iyon—isang pangako na ang isang dakilang bayan ay magmumula sa kaniyang pamilya at pagpapalain.
Subalit ito ang nakababaliw na bahagi: Si Abraham ay 75 taong gulang at wala pang anak. Nag-iisip si Abraham kung paano siya bibigyan ng Diyos ng pamilya samantalang siya ay matanda na at wala pang anak, lalo pa at isang malaking pamilya. Subalit, inihayag ng Diyos ang Kaniyang plano. Sa katunayan, sinabi ng Diyos kay Abraham na bilangin ang mga bituin sa langit dahil ito ang dami ng mga tao sa kaniyang pamilya. Tunay ngang ito ay napakaram!
At hulaan mo? Sa kabila ng lahat, at kahit na ito ay walang saysay, nanalig si Abraham na ang pangako ng Diyos tungkol sa kaniyang pamilya ay magkakatotoo. Kaya si Abraham ay tinawag na ama ng pananampalataya. Siya ay nanalig sa pangako ng Diyos, kahit na ito ay tila kabaliwan.
Ang kuwento ng Pasko ay tungkol kay Jesus na naparito sa mundo upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan at gugulin ang magpakailanman na kasama Siya sa langit. Ang kinakailangan lamang nating gawin ay ilagak ang ating pananampalataya sa Kaniya. Ang kuwento ni Abraham ay nagtuturo sa atin na wala tayong magagawa upang matamo ang mga pangako ng Diyos maliban sa tanggapin ang mga ito sa pamamagitan ng pananampalataya. Maglaan ng panahon na pasalamatan ang Diyos sa pagsugo sa Kaniyang Anak na si Jesusl.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa 12-araw na espesyal na debosyonal na ito, matutuklasan natin kung paanong ang Diyos ay gumawa ng paraan upang tayo ay maging bahagi ng Kaniyang pamilya habang tinatahak natin ang daan sa talaangkanan ni Jesus.
More