Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 20 NG 33

Ugaling Pampasaya: Maging Tapat

Mas pinagtitiwalaan ka ng mga tao, mas magiging masaya ka. Kung hindi ka pinagtitiwalaan ng mga tao, magiging miserable ang buhay mo.

Kung nais mong maging masaya, kailangan mong maging isang taong napagtitiwalaan ng mga tao.

Ginamit ni Pablo si Timoteo na halimbawa nito: “Kayo na rin ang nakakaalam sa katapatan ni Timoteo. Kasama ko siya sa pangangaral ng Magandang Balita. Tinulungan niya ako tulad ng pagtulong ng isang anak sa kanyang ama” (Mga Taga-Filipos 2:22 RTPV05).

Alam ni Pablo si Timoteo gumalaw, sa iba't ibang uri ng sitwasyon, at itinuring niya itong totoo, tapat, at maaasahan. Sinasabi sa salin na Ang Salita ng Dios, “Ngunit alam nʼyo kung paano pinatunayan ni Timoteo ang kanyang sarili.” Alam ba ng mga tao kung anong uri ng tao ka talaga? Ikaw ba ay napatunayang tapat tulad ni Timoteo?

Kahit kailan na pupunta ka sa bangko para umutang, magsasagawa sila ng pagsusuri kung tapat ka sa pagbabayad. Nais nilang malaman kung ikaw ay karapat-dapat na pagtiwalaan na pautangin. Nagbabayad ka ba ng mga bayarin sa tamang panahon? Kilala ka bang ginagawa ang sinasabi mong gagawin mo? Ikaw ba ay maaasahang bayaran ang iyong uutangin? Ikaw ba ay kapani-paniwala?

Ang totoo nito, ang lahat ng nakapaligid sa'yo ay nagsusuri upang alamin kung ikaw ay tapat sa bawat sandali ng iyong buhay. Nais nilang malaman kung ikaw nga ang sinasabi mong ikaw. Totoo ka ba? Totoong kulay ba ang ipinapakita mo? Ikaw ba ay mapagtitiwalaan?

Kung ikaw ay magiging masaya sa mga relasyon mo sa buhay, kailangan mong matutunang maging isang tapat at maaasahang tao.

Paano mo mapapagyaman ang isang reputasyon ng pagiging maaasahan?

Una, mamuhay nang may integridad. Hindi ibig sabihin ng integridad na ikaw ay perpekto. Ibig sabihin nito na kung ano ka sa labas ay ang tunay na ikaw. Totoo ka, dahil ang ikinikilos mo ay tumutugma sa mga sinasabi mo.

Sinasabi ng Mga Kawikaan 25:13, “Ang sugong tapat ay kasiyahan ng nagsugo sa kanya, tulad ng malamig na tubig sa panahon ng tag-araw.”(RTPV05) Maaasahan ka ba ng mga kaibigan mong maging ang taong sinasabi mong ikaw?

Ikalawa, tuparin ang iyong mga ipinangako.

Sabi ng Mga Awit 15:4, “Sa pangakong binitiwan, siya'y laging tapat, anuman ang mangyari, salita'y tinutupad.” (RTPV05).

Ibig sabihin nito ay tutuparin mo ang iyong ipinangako, kahit na higit pa sa iyong unang inakala ang kakailanganin mo upang gawin ito.

Ang matutunang mamuhay nang may integridad at pagtupad sa iyong mga pangako ang magpapakita sa ibang mapagtitiwalaan ka at magreresulta sa'yo na maging mas masayang tao.

 

Pakinggan ang audio na pangangaral
Araw 19Araw 21

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya