Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 22 NG 33

Ugaling Pampasaya: Maging Bukas-Palad sa Bawat Pagkakataon

Pasasaganain kayo ng Diyos sa lahat ng bagay upang maaari kayong maging bukas-palad sa bawat pagkakataon, na magiging dahilan sa pagpapasalamat sa Diyos.

Hindi ka pinagpapala ng Diyos para maging maramot; pinagpapala ka Niya upang magawa mong maging bukas-palad. Magbigay ka, at ibabalik sa iyo ng Diyos upang makapagbigay ka pa ng higit at mabigyan ka pa Niya ng higit at patuloy pa. Hindi ka binibigyan ng Diyos ng mga bagay upang maitambak mo ang mga ito. Kapag binitawan mo ang nasa iyong kamay, bakante na ito upang makatanggap ng mas dakila pang mga pagpapala mula sa Diyos.

Ngunit tulad ng nabanggit ko dati, ang pagbibigay sa iyo ng Diyos ay base sa iyong saloobin. Iyan ang dahilan kung bakit napakahalagang mamuhay nang may saloobing mapagpasalamat. Sinasabi ng Biblia, “Ang pagtulong ninyong ito sa mga kapatid ay hindi lamang makakatugon sa kanilang pangangailangan, kundi magiging dahilan pa ng walang hanggang pagpapasalamat nila sa Diyos” (2 Mga Taga-Corinto 9:12).

Kapag nagbibigay ka, nagsasagawa ka ng isang serbisyo. Ang maglingkod at ang magbigay ay iisang bagay. Ang mga ito ay dalawang gawaing mula sa pag-ibig. Hindi ka makapagmamahal nang hindi naglilingkod at nagbibigay. At ang pinakamainam na bahagi ay ito: ang iyong paglilingkod ay magiging dahilan ng pagpapasalamat sa Diyos.

Ilan sandali kang manalangin at magpahayag ng pasasalamat sa Diyos.

 

Pakinggan ang audio na pangangaral

Banal na Kasulatan

Araw 21Araw 23

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya