Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 23 NG 33

Ugaling Pampasaya: Magpasalamat sa Lahat ng Pagkakataon

Sa U.S., nagdiriwang kami ng araw ng pasasalamat nang isang beses sa isang taon. Ngunit nais ng Diyos na maging intensyonal tayo sa ating pagiging mapagpasalamat araw-araw. Hangad Niyang linangin natin ang espirituwal na ugaling ito, na ito'y masalamin sa buhay ng isang radikal na mananampalataya. Ang totoo nito, mas malalim mong nauunawaan ang pag-ibig ng Diyos, mas magiging mapagpasalamat ka.

Kaya't ano ba ang ibig sabihin ng pagiging radikal na mapagpasalamat?

Sabi ng Biblia sa 1 Mga Taga-Tesalonica 5:18, “at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus” (RTPV05). Iyan ang radikal na pagpapasalamat. Magpasalamat sa lahat ng pagkakataon, sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo.

Maaari kang magpasalamat sa Diyos sa lahat ng pagkakataon dahil ang Diyos ang may kontrol. Kaya Niyang gumawa ng mabuti mula sa masama. Kaya Niyang baligtarin ang mga tangang pagkakamaling nagawa mo. Anuman ang mangyari, hindi titigil ang Diyos sa pagmamahal sa'yo. Daan-daang bagay ang maaaring ipagpasalamat sa anumang sitwasyon, kahit pa pangit ang sitwasyon.

Radikal na pagpapasalamat — ang pagiging mapagpasalamat sa lahat ng pagkakataon— ay kalooban ng Diyos dahil lumilkha ito ng pakikipagkaisa.

Ano ang ibig kong sabihin? Ang pagpapasalamat ay palaging nagtatatag ng mas malalim na relasyon sa pagitan mo at ng ibang tao at sa pagitan mo at ng Diyos.

Sinuman ang nais mong mas mapalapit sa'yo, simulan mo ang paghahayag ng pagpapasalamat sa taong iyan. Kung may pagkakalayo ng loob na namamagitan sa inyo ng asawa mong lalaki o babae, kailangan mong gawin ang ginagawa mo noong nagde-date kayo: Magpahayag ng pagpapasalamat. Magsulat ng maliliit na sulat ng pagmamalasakit at pagpapalakas ng loob. Tumawag o mag-text sa loob ng araw, para lang sabihin na nagpapasalamat ka. Gawin ang mga bagay na ginagawa mo dati. Ang dahilan kung bakit nawala na ang damdaming pagsinta ay dahil tinigilan mo nang gawin ang mga bagay na lumikha ng damdaming pagsinta na dating naroon, at binabalewala na ninyo ang isa't isa.

Nais mo bang pasiglahin ang inyong maliit na grupo? Huwag lang pumunta sa maliit na grupo. Sa loob ng isang linggo, i-text mo sila, i-email mo sila, tawagan sila, sulatan sila. Sabihin ang, “Nagpapasalamat ako para sa'yo, at ito ang dahilan.” Makikita mo na mas mapagpasalamat ka para sa grupo ninyo, mas maganda ang magiging samahan ninyo.

Sinasabi sa atin ng Biblia ang “palakasin ninyo ang loob ng bawat isa at magtulungan kayo” (1 Mga Taga-Tesalonica 5:11). Habang tinutulungan mo ang iba, makikita mo ring pinatitibay ng Diyos ang iyong buhay sa pamamagitan ng iyong malalalim na relasyon sa Kanya at sa iba.

 

Pakinggan ang audio na pangangaral
Araw 22Araw 24

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasayang aklat sa Biblia.

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org