Mga Ugaling PampasayaHalimbawa
Ugaling Pampasaya: Ang Pagbibigay ay Naghahayag ng Iyong Puso
Sa tuwing magbibigay ka, inihahayag mo kung ano ang mahalaga sa'yo. Sabihin mo sa'kin kung saan mo inilalagak ang iyong pera at oras, at sasabihin ko sa'yo kung ano ang pinakamahalaga sa'yo. Maaaring mahayag sa'yong iskedyul na ang pinakamahalaga sa'yo ay iyong mga anak. Maaaring mahayag sa'yong paggasta na ang pinakamahalaga sa'yo ay iyong libangan.
Malamang na wala kang pakialam sa Microsoft dahil wala ka namang pamumuhunan sa Microsoft. Ngunit kung ikaw ay mamumuhunan sa Microsoft, bigla ka nang may pakialam sa tagumpay ng kumpanyang iyon, dahil kung saan mo inilalagay ang iyong pera, doon mo inilalagay ang iyong puso”.
Sabi sa Mga Taga-Filipos 1:10, “upang mapili ninyo ang pinakamahalaga sa lahat” (RTPV05).
Ano ang mahalaga sa'yong buhay? Hindi ang pagtamo. Ang buhay ay hindi patungkol sa pagtamo ng mga bagay. Ang mamamatay nang may pinakamaraming laruan ay mamamatay pa rin.
Ang buhay ay hindi patungkol sa mga gamit. Ito ay para matutuo tayong magmahal. Kung sa wakas ng iyong buhay mayroon kang isang napakalaking tambak ng mga gamit ngunit nahiwalay ka naman sa'yong asawa at mga anak, nalihis ka mula sa totoong layunin!
Kapag ikaw ay bukas-palad sa'yong oras, pera, pagsusumakit, at lakas, sinasabi mong ang pinakamahalaga sa'yo ay ang Diyos at mga tao. Ang pinakamahalaga ay pagmamahal.
Sinasabi ito ni Pablo sa Mga Taga-Filipos 3:7: “Ngunit dahil kay Cristo, ang mga bagay na pinapahalagahan ko noon ay itinuring kong walang kabuluhan ngayon.”
Paano mo babaliin ang mahigpit na pagkakahawak ng materyalismo? May iisang paraan lang. Ang lunas sa pagtatamo ay ang pagbibigay. Kaya't sa tuwing ikaw ay bukas-palad at nagbibigay sa iba at sa Diyos, ang totoo ay binabali mo ang pagkakahawak ng materyalismo sa iyong buhay.
“Subalit sa kabilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit. Doon magmumula ang Tagapagligtas” (Mga Taga-Filipos 3:20a). Ang layunin mo ay hindi lang mabuhay sa dito at ngayon. Ikaw ay nag-iimpok para sa walang hanggan! Hindi ka gumagawa ng isang tambak para sa dakong ito ng walang hanggan. Ikaw ay gumugugol sa mga tao at sa mga relasyon na may kabuluhan hanggang sa kabilang dako ng walang hanggan. Namumuhay ka sa kamalayan ng Langit.
LPakinggana ang audio na pangangaral |
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasayang aklat sa Biblia.
More