Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 31 NG 33

Ugaling Pampasaya: Pamumuhunan sa Walang Hanggan

Sa bawat pagkakataon na ikaw ay bukas-palad, nag-iimpok ka para sa iyong walang-hanggang tahanan.

Sinabi ni Jesus patungkol sa prinsipyong ito ang “magkakaroon ka ng kayamanan sa langit.” Sa katunayan, ginamit ni Jesus ang pariralang ito nang anim na ulit sa Biblia! Kahit kailang sabihin ni Jesus ang isang bagay nang anim na ulit, marapat kang makinig nang mabuti. Kung hindi, makakawala sa'yo ang pagpapala.

Ang buhay ay hindi patungkol sa pag-iimpok ng mga kagamitan dito sa Lupa. Ang buhay ay patungkol sa pag-iimpok ng mga bagay sa Langit. Sinasabi ng Biblia na huwag mag-impok ng maraming bagay dito sa Lupa kung saan maaari itong nakawin ng mga magnanakaw at sirain ng kalawang at naninirang insekto. Mag-impok ng iyong kayamanan sa Langit.

Makabuluhan ito. Bakit? Dahil di hamak na mas mahabang panahon ang itatagal mo sa Langit, at mas kakailanganin mo ang mga premyo at gantimpala sa Langit kaysa sa Lupa. May 80 hanggang 100 taon ka lang sa planetang ito, at kailangan mong iwan ang lahat dito. Ngunit, matatamasa mo ang iyong kayamanan sa Langit nang walang hanggan!

Kaya't, paano bang mag-impok ng kayamanan sa langit? Paano mo ito ipauuna doon?

Sinasabi ng Biblia na ito ay sa pamamagitan ng pamumuhunan sa tao. May dalawang bagay lang na tatagal nang magpakailanman: ang Salita ng Diyos at mga tao. Ang tao ay maglalagi nang walang hanggan sa Langit o sa Impiyerno, at ang pamumuhunan mo sa isang tao ay may napakalaking epekto sa sasapitin niya. Hangad ng Diyos na mamuhunan ka sa mga tao, dahil ang mga pamumuhunang iyon ay may mga walang-hanggang kalalabasan at gantimpala.

Sabi sa Mga Taga-Filipos 4:17, “Hindi sa hangad kong laging tumanggap ng mga kaloob, kundi ang nais ko ay makatanggap kayo ng masaganang gantimpala” (RTPV05).

Sumulat si Pablo sa mga taga-Filipos upang magpasalamat para sa kanilang suporta, ngunit sinabing ang pinakamatimbang sa kanya, ang nagbigay sa kanya ng pinakamalaking kagalakan, ay ang kaalamang ang sakripisyo at pagiging bukas-palad nila ay magbibigay sa kanila ng kayamanan sa Langit. Namuhunan sila sa kanya, ngunit nag-impok din sila para sa kanilang walang-hanggang tahanan.

Ikaw ay gagantimpalaan para sa lahat ng ibinigay mo. Ikaw ba ay nagbibigay ng iyong oras? Ikaw ay gagantimpalaan sa Langit. Ikaw ba ay nagbibigay ng iyong lakas? Ikaw ay gagantimpalaan sa Langit. Ikaw ba ay nagbibigay ng iyong salapi? Ikaw ay gagantimpalaan sa Langit.

 

 

Pakinggan ang audio na pangangaral

 

Banal na Kasulatan

Araw 30Araw 32

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasayang aklat sa Biblia.

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org