Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 32 NG 33

Ikaw ay Nilikha Para sa Isang Bagay na Mas Dakila Kaysa Sarili Mo

Bakit tila bitin ang kasiyahan natin? Talagang napakaraming tao ang nagtatanong niyan sa sarili nila. Hindi tayo masaya, hindi tayo kuntento — sa katunayan, miserable tayo.

Bakit? Sa kanyang aklat na Rich, Free, and Miserable, ibinahagi ng sosyolohistang si John Brueggemann ang isang magandang kuwento na naglalarawan kung bakit. Ang pag-akyat ng Bundok na Everest ay isa sa mga hamong nagbibigay ng inspirasyon sa mga taong gumawa ng kahanga-hangang bagay. Maraming sumusubok, kahit na halos 10 porsiyento sa kanila ay namamatay sa tangkang ito. Maraming bangkay ay naroroon pa rin sa daraanan paakyat ng bundok. Ngunit nais pa rin ng mga taong umakyat sa bundok — kahit wala naman itong naidudulot na kabutihan sa ibang tao.

Mga ilang taon na ang nakalilipas, isang umaakyat, si David Sharp, ay malinaw na nasa peligro sa bundok. May 40 na umaakyat ang nakapansin sa kanyang malinaw na pamemeligro ngunit dinaanan lang siya ng mga ito. Namatay siya sa Bundok ng Everest dahil wala sa mga ibang umaakyat ang handang isantabi panandali ang kanyang personal na layunin upang tulungan siya.

Tayo iyan. Ang personal nating hangarin na magkaroon ng higit pa, maging higit pa, at gumawa ng higit pa ang nagsasanhi sa ating malihis sa kung ano ang tunay na mahalaga. Ngunit hindi ganyan ang pagkalikha sa atin ng Diyos. Ang buhay ay hindi patungkol sa kinikita mo, sa kung sino ang kilala mo, o kung anong ginagawa mo. Ang buhay ay lubos na patungkol sa pagmamahal — pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa.

Sinasabi sa atin ni Jesus sa Marcos 8:35, “Ang sinumang nagnanais na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakamit nito” (RTPV05). Ginawa ka ng Diyos sa paraang hindi ka kailanman magiging masaya malibang iniaalay mo ang iyong buhay sa paggawa ng Kanyang gawain. Ikaw ay ginawa para sa isang bagay na mas dakila kaysa sarili mo. Tinatawag ng Biblia itong misyon mo sa buhay. Ang kabuluhan ay hindi nagmumula sa katayuan sa buhay, kinikita, o pagtatalik. Ito ay nagmumula sa paglilingkod. Tanging sa pag-aalay ng iyong buhay mo mararamdaman na ang buhay mo ay may kabuluhan.

 

 

Pakinggan ang audio na pangangaral

 

Banal na Kasulatan

Araw 31Araw 33

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya