Tungkol sa Gabay
Mga Ugaling PampasayaHalimbawa
Ugaling Pampasaya: Maging Bukas-Palad
Natatamo mo ang probisyon mula sa iyong kinikita, ngunit natatamo mo ang respeto at pasasalamat ng iba at isang mabuting pangalan at reputasyon sa pamamagitan ng iyong ibinibigay .
Sino ang mga tao sa buhay mo na pinakapinagpapasalamat mo? Sila ang mga taong naglagak ng panahon, salapi, lakas, at pagtitiyaga sa'yo. Ang mga taong pinakapinagpapasalamat mo ay ang mga taong nagkaloob ng pinakamalaki sa'yo.
Ang pinakamapagbigay na mga tao ang pinakapinahahalagahang mga tao. Binibigyan tayo ni Pablo ng halimbawa nito: “Labis akong nagagalak sa Panginoon sapagkat ... minsan pang ipinamalas ninyo ang inyong pagmamalasakit sa akin. Alam kong hindi ninyo ako nalilimutan, wala nga lamang kayong pagkakataong matulungan ako. Gayunman, ikinagagalak ko ang ginawa ninyong pagtulong sa aking mga paghihirap. Alam naman ninyo, mga taga-Filipos, na kayo lamang ang iglesyang nakahati ko sa hirap at ginhawa nang umalis ako sa Macedonia noong ako'y nagsisimula pa lamang sa pangangaral ng Magandang Balita. Narito ngayon ang katibayan ng labis-labis na kaloob ninyo sa akin. Higit pa sa pangangailangan ko ang tulong ninyo sa akin .... Ang mga ito ay tulad ng mabangong handog sa Diyos, mga alay na katanggap-tanggap at kalugud-lugod sa kanya.” (Mga Taga-Filipos 4:10, 14-15, 18 RTPV05).
Mayroon bang taong nagpapasalamat dahil sa'yong pagiging bukas-palad? Ilang tao ang maiisip mong magsasabi patungkol sa'yo ng, “Ang taong iyan ay napakamapagmahal at mapagbigay; napakabukas-palad nila sa akin”?
Wala nang mas mainam na araw kaysa ngayon na pasalamatan ang mga taong naging bukas-palad sa'yo. Maaari mo silang pasalamatan sa pamamagitan ng pagtawag o pagsusulat at pagpapaalam sa kanila kung paano ka nilang espesipikong natulungan at ano ang naging kahalagahan nito sa buhay mo. Pagkatapos, gamitin ang mga taong ito na modelo ng kung paano ialay ang sarili mo at maging bukas-palad sa iba.
Pakinggan ang audio na pangangaral |
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...
More