Tungkol sa Gabay
Mga Ugaling PampasayaHalimbawa
Ugaling Pampasaya: Maging Mas Tulad ni Jesus sa Pamamagitan ng Pagbibigay
Ang lahat sa buhay mo ay kaloob ng Diyos, dahil ang Diyos ay bukas-palad.
Nais ng Diyos na ang mga anak Niya ay maging tulad Niya. Nais Niyang matutunan mo na maaari kang magbigay nang hindi nagmamahal ngunit hindi ka maaaring magmahal nang hindi nagbibigay.
Sinasabi mo ang, “Mahal na mahal ko ang mga anak ko!” Binibigyan mo ba sila ng panahon? “Mahal na mahal ko ang asawa ko.” Binibigyan mo ba siya ng atensyon? Ito ang tunay na diwa ng pagmamahal. Ikaw ay nagiging mas mapagmahal kapag ikaw ay nagiging mas bukas-palad.
Sa tuwing ikaw ay magiging bukas-palad, may pagbabagong nangyayari sa'yo. Sa tuwing ikaw ay nagbibigay, ang puso mo ay lalong napapalapit sa Diyos. Nagiging mas mapagmahal ka sa tuwing magbibigay ka. Nagiging mas tulad ka ni Jesus.
Sinasabi sa Mga Taga-Filipos 1:11, “Mapuspos nawa kayo ng mga katangiang ipinagkaloob ni Jesu-Cristo sa inyo para maparangalan at mapapurihan ang Dios” (ASND).
Ang pinag-uusapan natin dito ay lubos na salungat sa laganap na kultura, dahil hindi itinuturo ng kultura natin ang magbigay. Ang lahat sa kultura natin ay nagsasabing “kumuha.” Sang-ayon ka bang namumuhay tayo sa kulturang lumalaganap ang pagiging makasarili? Ang narsisismo ay lumalaganap. Lahat ay tungkol sa akin. Ako, mga gamit ko, mga pangangailangan ko — ako, ako, ako. May “ako” tayong problema!
Kapag ikaw ay bukas-palad, tinatanggal mo ang pokus sa sarili mo upang matigilang pag-isipan ang iyong sarili at simulang pag-isipan ang iba. Sinasabi sa Mga Taga-Filipos 2:4-5, “Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili. Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus.”
Pakinggan ang audio na pangangaral |
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...
More