Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 25 NG 33

Ugaling Pampasaya: Umawit ng Pasasalamat Mo sa Panginoon

Ang matutunang magpasalamat sa Diyos para sa mga ibinigay Niya sa atin ay mahalagang bahagi ng ating lakbaying espirituwal. Kaya't paano bang gawing mahalagang bahagi ng iyong buhay ang pasasalamat?

Isa sa pinakamahalagang paraang gawin ito ay sa pag-awit. Sinasabi ng Biblia, "Umawit ng mga imno at si Yahweh ay purihin" (Mga Awit 147:7a RTPV05). Wala nang mas mabilis na nakapagbibigay sa'yo ng kamalayan ng presensya ng Diyos kaysa pag-awit ng iyong papuri sa Diyos. Hindi rin mahalaga kung may talento ka sa musika o wala. Hinihimok tayo ng Biblia na umawit sa kagalakan. Kahit nga mga baboy ay ginagawa iyon habang kumakain! Kung ang mga baboy kayang gawin iyon, kaya mo rin.

Ang Cristianismo ay isang pananampalatayang umaawit. May mas maraming awitin patungkol kay Jesus kaysa anuman o sinuman, kahit pa sa pag-ibig. Iyan ang dahilan kung bakit kailangan mong sumapi sa isang lokal na iglesya. Hindi lang ito patungkol sa pakikinig sa isang lingguhang mensahe mula sa Biblia. Hindi kukulang sa isang beses sa isang linggo, kailangan mo ng emosyonal na ekspresyon na nagmumula sa pag-awit ng pasasalamat sa Diyos. Kung hindi mo ito gagawin, matutuyot ang iyong puso. Hindi mo magagawang maging isang malusog na Cristiano sa pamamagitan ng mga sermon lang. Kailangan mo ng inspirasyon mula sa mensahe at ekspresyon sa pamamagitan ng musika.

Natuklasan ko na ang mga panahong hindi ko ramdam na umawit ang mga panahong pinakakailangan kong gawin ito. Kapag nanlalamig ang puso ko, kailangan kong mapanibago, mapanumbalik sa dati, at makargahan ng lakas sa pamamagitan ng pag-awit ng pasasalamat sa Diyos. Sa aking abalang iskedyul, natatagpuan kong ang pakikinig sa musika at pag-awit ng papuri ay nakakapanibago ng aking kaluluwa.

Kaya't patugtugin na ang iyong mga paboritong awiting papuri o maghanap ng magaling na Cristianong istasyon sa radyo, at sabayan ang mga awitin. Pasalamatan ang Diyos sa lahat ng ibinigay Niya sa'yo. At umawit sa kagalakan sa Panginoon habang ginagawa mo ito.

Pakinggan ang audio na pangangaral

Banal na Kasulatan

Araw 24Araw 26

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasayang aklat sa Biblia.

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org