Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 24 NG 33

Ugaling Pampasaya: Magpasalamat sa Mga Tinugong Panalangin

Kung nais mong marinig ang Diyos, kailangang sambahin mo ang Diyos.

Sa madaling sabi, pasalamatan Siya sa pagiging bahagi ng buhay mo at sa pagiging interesado sa mga detalye ng buhay mo. Pasalamatan Siya sa pagtugon sa mga panalangin mo: “O Yahweh, narinig ko ang tungkol sa inyong ginawa, at ako'y lubos na humanga” (Habakuk 3:2a RTPV05). Binibigyan ka ng Diyos ng pangitain. Binibigyan ka ng Diyos ng panaginip. Alam mo ang nais ng Diyos na gawin mo, kaya't ngayon ay pasalamatan mo Siya sa pagtugon sa iyong panalangin. Iyan ay bahagi ng pagsamba sa Diyos.

Ang nais ko ay tigilan mo nang ituring ang iyong mga panalangin na ikaw lang ang nagsasalita at simulang ituring na kung ano talaga ito: isang dayalogo. Ang panalangin ay isang pakikipag-usap kasama ng Diyos. Naririnig ka ng Diyos kapag nananalangin ka, at sumasagot Siya kapag nagtatanong ka. Nais ka Niyang kausapin bawat araw. Kung tapat kang makikipag-usap sa Diyos sa buong maghapon, lubos na mababago ang iyong buhay.

Ngunit, hindi mo maririnig ang Diyos hangga't sa makilala mo Siya, at may tatlong antas ng pagkilala sa Diyos: pagkakaalam, pagkakakilala, at pagkakaibigan. Maaaring ikaw ay nasa antas ng pagkakaalam; alam mong nariyan ang Diyos, ngunit hindi mo talaga Siya kilala. O, maaaring ikaw ay nasa antas ng pagkakakilala; kilala mo ang Diyos nang kaunti, ngunit hindi mo Siya gaanong kilala.

Ang nais ng Diyos ay mamuhay ka sa antas ng pagkakaibigan. Nais Niyang maging kaibigan mo, at nais Niyang ikaw ay maging kaibigan Niya. Nais ng Diyos na palagi mo Siyang kinakausap.

 

LPakinggan ang audio na pangangaral

Banal na Kasulatan

Araw 23Araw 25

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasayang aklat sa Biblia.

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org