Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 21 NG 33

Ugaling Pampasaya: Hanapin ang Mga Pinagkakaisahan

Isang kahusayan na tila hindi na itinuturo sa mga paaralan ngayon ay ang kung paano mahusay na makipagtulungan sa pagtatrabaho kasama ng iba. Ngunit isa ito sa pinakamahalagang kasanayang kailangang matutunan kung ikaw ay magiging isang masayang tao.

Kung hindi ka mahusay makitungo sa iba sa trabaho, hindi ka magiging masaya sa mas malaking bahagi ng buhay mo.

Ano ang kailangan mong matutunan upang mahusay na makapagtrabaho kasama ng iba?

Una, kailangan mong matutunang makipagtulungan sa iba.

Si Epafrodito ay lalaking isinugo ng iglesya sa Filipos sa Roma upang magdala ng pinansyal na kaloob para kay Pablo habang siya'y nasa bilangguan. Sabi sa Mga Taga-Filipos 2:25, “Inisip kong kailangan nang pauwiin diyan ang ating kapatid na si Epafrodito, na aking kamanggagawa at kapwa kawal ng Diyos na isinugo ninyo upang magdala ng inyong kaloob, at upang makatulong rin dito” (RTPV05).

Sa pagtawag niya kay Epafrodito na kanyang kapatid, kamanggagawa at kapwa kawal, sinasabi ni Pablo na ang buhay at pagmiministeryo ay isang pamilya, ito'y isang pakikiisa, at ito'y isang laban.

Ang iglesya ay pamilya ng Diyos. Tayo ay magkakapatid na lalaki at babae kasama ng mga taong ating miniministeryohan at kasamang sumamba, at marapat natin silang tratuhin nang naaayon. Ito rin ay isang pakikiisa, kung saan nagtatrabaho at naglilingkod tayo nang may isang layunin — ang Dakilang Atas.

Kayo ay magkasama ring nasa iisang laban kontra kay Satanas, at kailangan ninyong suportahan ang isa't isa. Kailangan ninyong depensahan at palakasin ang loob ng isa't isa.

Ang pinakamagaling na lugar na matutunang makipagtulungan sa iba ay ang iglesya.

Ikalawa, kailangan mong matutunang magkaroon ng konsiderasyon sa iba.

Tinutukoy ulit ni Pablo si Epafrodito sa Mga Taga-Filipos 2:26 nang sabihin niya ang, “Sabik na sabik na siya sa inyong lahat. Nag-aalala siya dahil sa nabalitaan ninyong nagkasakit siya.”

Pansining may dalawang halimbawa ng konsidersyon. Inalala ni Pablo ang kasabikan para sa sariling bayan ni Epafrodito, at inalala ni Epafrodito ang pag-aalala ng mga taga-Filipos.

Ito ay isang susi sa kasayahan! Mas matutunan mong magkaroon ng konsiderasyon sa mga pangangailangan, pag-aalinlangan, at pangamba ng ibang tao, ikaw ay mas magiging masaya. Kung ikaw ay walang konsiderasyon hindi magiging masaya ang iyong buhay may-asawa.

Sinasabi ng Biblia sa 1 Mga Taga-Corinto 1:10, “Mga kapatid, ako'y nakikiusap sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi maging sa isipan at maging sa layunin” (RTPV05).

Wala sa ating likas na taong may konsiderasyon sa iba, dahil mas gawi nating isipin muna ang sarili at hindi ang mga pangangailangan ng iba. Ang “magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi” ay kailangang pagtrabahuhan, at ang matutunang makasundo at maaayos na makatrabaho ang iba ay nangangailangan ng pagsasanay. Tulad ng harding nangangailangan ng pagbubungkal upang makapamunga, makikita mo kung paanong ang iyong pagsisikap ay magbubunga ng kasayahan at matitibay na relasyon.

 

Pakinggan ang audio na pangangaral

Banal na Kasulatan

Araw 20Araw 22

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya