Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 19 NG 33

Ugaling Pampasaya: Alamin ang mga Pangangailangan ng Iba

Ang paninimulan ng lahat ng kaligayahan ay ang paglilihis ng pagtuon mula sa sarili. Kung ang iniisip mo lang ay sarili mo, magiging labis na miserable kang tao. Kung nais mo talagang maging masaya sa buhay, kailangan mong pagmalasakitan ang mga pangangailangan ng mga nakapaligid sa'yo.

Ginawang halimbawa ni Pablo si Timoteo sa Mga Taga-Filipos 2:20-21: “Wala nang hihigit sa kanya sa pakikiisa sa aking damdamin at pagmamalasakit para sa inyong kapakanan. Ang inaatupag lamang ng iba ay ang sarili nilang kapakanan at hindi ang kay Jesu-Cristo” (RTPV05).

Ang karamihang tao ay balisa sa kanilang sariling mga plano at hindi nagmamalasakit sa kapakanan ng iba. Karamihang tao ay hindi bumabangon sa umagang pinag-iisipan kung kamusta na ang ibang tao. Ang karamihang tao ay nag-aalala sa kanilang sariling mga problema. At, iyan ang dahilan kung bakit ang karamihang tao ay hindi masaya sa kanilang buhay!

Kung nais mong maging isa sa mga pambihira at hindi maramot na tao, kailangan mong palitan ang iyong pokus. Kailangin mong ilihis ang iyong pokus palayo sa sarili mo papunta sa ibang tao. Hindi iyan isang bagay na nangyayari nang natural, kaya't ito'y kailangan mong matutunang gawin.

Kailangan kong aminin na ikinalulungkot kong ilang beses ko nang nakalingatan ang mga pangangailangan ng mga taong mahal ko dahil hindi ko silang sadyang binigyan ng pansin. Hindi ako naging interesado sa kanila. Hindi ko nailihis ang aking pokus mula sa akin papunta sa ibang nasa silid. Dahil hindi ko inalam ang kanilang mga pangangailangan, nakalingatan ko ang kanilang mga pangangailangan. At labis ko itong ikinalulungkot.

Imbes na ikalungkot natin ang mga nawalang oportunidad, maging intensyonal sa paglilihis ng paningin sa sarili papunta sa mga pangangailangan ng iba, kung saan masusumpungan mo ang kaligayahan sa paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba.

“Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili” (Mga Taga-Filipos 2:4 RTPV05).

 

Pakinggan ang audio na pangangaral
Araw 18Araw 20

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya