Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 18 NG 33

Ugaling Pampasaya: Ialay ang Buhay Mo sa Iba

Ang kasayahan ay nagmumula sa paglilingkod at pag-aalay ng buhay mo sa iba. Hangga't hindi mo nauunawaan ito, hindi ka gaanong magiging masaya sa buhay mo. Ang kaligayahan ay hindi nagmumula sa pagbibigay kasiyahan sa sarili. Ito ay nagmumula sa pagsasakripisyo ng sarili para sa iba.


Alam ni Pablo na upang maging masaya, kailangan niyang manatiling nakatuon sa kanyang layunin at hindi sa kanyang mga problema. Sinabi niya ang pinakadiwa ng kanyang layunin sa Mga Taga-Filipos 1:21: “Sapagkat para sa akin, si Cristo ang aking buhay at kahit kamatayan ay pakinabang” (RTPV05).


Kung ikaw ang pupuno sa patlang, anong salita ang gagamitin mo? “Sapagkat para sa akin, ang aking buhay ay ______.” Ito ba ay libangan? Isports? Pananamit? Pamilya? Mga kaibigan? Isang karera? Maraming mabubuting bagay ang maaari mong isagot, ngunit walang nararapat sa lugar ng Nag-Iisang lumikha sa iyo at nagbigay sa iyo ng iyong buhay: si Jesu-Cristo.


Kung paano mo pupunuin ang patlang na iyan ang magdedetermina ng kung gaano ka kasaya sa buhay. Dahil kung sasagot ka ng “salapi” o “tagumpay” o “kaaliwan” o “kapangyarihan,” hindi ka magiging masaya sa mas malaking bahagi ng buhay mo. Walang masama sa mga bagay na iyon; hindi lang sila nararapat na mauna. Hindi ka nilikha para kumita ng maraming salapi, at matapos ay mamatay, at ibigay ito sa iba. May labis na mas dakilang layunin ang Diyos sa buhay mo. May iisang sagot lang na tutungo sa kaligayahan: na si Cristo ang ating buhay. Ialay ang buhay mo sa iba. Ito ang iyong layunin!



 


Pakinggan ang audio na pangangaral

Banal na Kasulatan

Araw 17Araw 19

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya