Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 17 NG 33

Ugaling Pampasaya: Tumuon sa Iyong Layunin, Hindi sa Problema

Kapag ikaw ay nakatuon sa iyong layunin, hindi sa iyong problema, maaari kang maging masaya kahit tila gumuguho ang iyong mundo.


Matanda na si Pablo noong nakabilanggo siya sa Roma. Malayo siya sa bayan niya. Naghihintay siyang maparusahan ng kamatayan. Ang lahat ay kinuha na sa kanya — kanyang mga kaibigan, kanyang kalayaan, kanyang ministeryo, pati kanyang pribasiya, may isang bantay na nakatanikala sa kanya nang 24 oras bawat araw. Masasabi nating hindi masayang panahon ito para kay Pablo.


Ngunit may isang bagay na hindi nila kayang kunin kay Pablo: kanyang layunin. Pinili ni Pablo na manatiling nakatuon sa kanyang layunin, kahit pa nawala na sa kanya ang lahat. Ano ang kanyang layunin? Maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba.


Sinasabi ni Pablo sa Mga Taga-Filipos 1:22-25, “Ngunit kapag ako'y mananatiling buháy, ito'y kapaki-pakinabang din sapagkat ako'y makakagawa pa ng mabubuting bagay. Hindi ko malaman kung alin ang aking pipiliin. May pagtatalo sa loob ko; gusto ko nang pumanaw sa mundong ito upang makapiling ni Cristo, sapagkat ito ang lalong mabuti para sa akin. Ngunit alang-alang sa inyo, mas kailangan pang manatili ako sa buhay na ito. Dahil dito, natitiyak kong ako'y mabubuhay pa at makakasama ninyong lahat upang matulungan kayong magpatuloy nang may kagalakan sa inyong pananalig sa Panginoon” (RTPV05).


Hindi ko kailanman malilimutan ang pagbabasa ko ng aklat ni Viktor Frankl na “Man's Search for Meaning.” Si Frankl ay isang saykayatristang Judio na dinala sa isa sa mga kampo ng kamatayang pinangangasiwaan ng mga Nazi sa Alemanya. Lahat sa kanyang pamilya at lahat ng kanyang mga kaibigan ay kinitil ang buhay sa pamamagitan ng paglanghap ng gas at sadyang pagpatay. Ikinuwento niya sa kanyang aklat kung paanong isang araw siya'y hubo't hubad na nakatayo sa harap ng mga Gestapo. Kinuha nila sa kanya ang kanyang damit na pambilanggo at pati kanyang singsing sa kasal. Nakatayo siya roon nang walang anuman nang bigla niyang napagtanto na may isang bagay na hindi kayang kunin sa kanya ng mga Nazi: ang kanyang pagpili kung paano siya tutugon.


Hindi mo kayang kontrolin ang gagawin sa'yo ng ibang tao. Hindi mo kayang kontrolin ang gagawin ng ibang tao sa paligid mo. Ngunit kaya mong kontrolin kung paano ka tutugon.



 


Pakinggan ang audio na pangangaral

Banal na Kasulatan

Araw 16Araw 18

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya