Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 16 NG 33

Ugaling Pampasaya: Magpasyang Magalak

Kapag gumuguho ang lahat, huwag tangkaing ayusing mag-isa. Hayaan ang Diyos na isaayos muli ang lahat.


Kung may kinakaharap kang problema, may dalawa kang pagpipilian: Maaari kang sumamba o maaari kang mag-alala. Iyon na yon! Ito ang aking tinatawag na sangkap na pananampalataya.


Sabi ni Pablo sa Mga Taga-Filipos 1:18-19, “at ako'y magagalak. Sapagka't nalalaman ko na ang kahihinatnan nito'y sa aking ikaliligtas, sa pamamagitan ng inyong pananaing at kapuspusan ng Espiritu ni Cristo, ” (TLAB).


Sa iisang bersikulong iyan, nagbibigay si Pablo ng ilang mapagkukunan ng lakas upang makapanatili kang positibo at masaya sa mahihirap na panahon.


Una, kailangan mong tumuon sa perspektibo ng Diyos sa iyong mga problema. Sabi ni Pablo, “Nalalaman ko.” Ang nalalaman mo ang nag-uudyok sa'yong magpatuloy. Alam ni Pablo na ang Diyos ay gumagawa sa gitna ng kanyang pakikibaka, at tumuon siya sa mas malawak na perspektibo ng Diyos


Ikalawa, may mga taong nananalangin para kay Pablo, at nakatulong itong makapagpatuloy siya. Nabanggit din niya ang pag-asang dulot sa kanya ng “kapuspusan ng Espiritu ni Cristo.” Ang Espiritu Santo ay nagpasulong din sa kanya. At sabi pa niya sa huli, “ang kahihinatnan nito'y sa aking ikaliligtas.” May pananampalataya si Pablo na gumagawa ang Diyos upang mauwi sa mabuti ang kanyang problema.


Dahil taglay niya ang perspektibo ng Diyos, ang mga panalangin ng mga kaibigan, ang Espiritu Santo, at pananampalataya, pinili ni Pablo ang “ako'y magagalak.”


Nasa iyo ang pagpipiling magalak.



 


Pakinggan ang audio na pangangaral

Banal na Kasulatan

Araw 15Araw 17

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya