Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 15 NG 33

Hindi Mo Kailangan ng Pag-apruba ng Iba Upang Maging Masaya

Maaari kang maging masaya anuman ang mangyari sa buhay mo kung hindi mo papayagan ang ibang kontrolin ang iyong saloobin.


Sa Mga Taga-Filipos 1:15-17, tinalakay ni Pablo ang patungkol sa apat na uri ng taong nakakaapekto sa kanyang ministeryo habang nakabilanggo siya sa Roma. Mayroong mga itinuring niyang mga kasamahan at nagpapalakas ng loob niya sa kanyang ministeryo. Ang iba'y nambabatikos, nakikipagkompetensya, o nagsasabwatan laban sa kanyang ministeryo.


“Totoo nga na may ilang nangangaral tungkol kay Cristo dahil sa pagkainggit at pagkahilig sa pakikipagtalo, ngunit mayroon din namang nangangaral nang may tapat na hangarin. Si Cristo'y ipinapangaral nila dahil sa tunay na pagmamahal, sapagkat alam nilang ako'y hinirang upang ipagtanggol ang Magandang Balita. Ngunit ang iba ay nangangaral nang di tapat sa kalooban, kundi dahil sa udyok ng masamang hangarin, sapagkat hangad nilang dagdagan pa ang paghihirap ko sa aking pagkakabilanggo.” (Mga Taga-Filipos 1:15-17 RTPV05).


Iilang bagay lang ang nakakapagnakaw ng iyong kaligayahan nang mas mabilis kaysa sa mabatikos o maramdamang ang iba'y gumagawa laban sa'yo. Bakit? Nais nating lahat na tayo'y mahalin. Nais nating lahat ng pag-apruba. Nais nating magustuhan ng lahat.


Ngunit sinasabi sa Mga Taga-Filipos 1:18, “Pero walang anuman ang lahat ng iyon sa akin. Nagagalak pa nga ako sa mga pangyayari dahil kahit papaano, naipapangaral si Cristo, tama man o mali ang hangarin nila. At patuloy akong magagalak”.


Hindi mo kailangan ng pag-apruba ng iba para maging masaya.


Ika'y singsaya ng piliin mong maging! Kung ang iba ay hindi masaya sa iyo, pasya nila iyon. Kung wala sa'yo ang pag-apruba ng isang tao ngayon, maaaring hindi mo talaga ito makukuha. At ika'y magiging miserable kung tatangkain mong mabuhay para sa pag-apruba ng lahat.


Ipinapaliwanag ni Pablo sa mga bersikulong 29 at 30 kung bakit kakayanin mong maging masaya anuman ang mangyari: “Dahil ipinagkaloob niya sa inyo, hindi lamang ang manalig sa kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang kay Cristo. Ngayon, kasama ko na kayo sa pakikibakang nakita ninyong ginagawa ko noon, at nababalitaan ninyong ginagawa ko pa rin hanggang ngayon.” (RTPV05).


Sinasabi ni Pablo na isang pribilehiyo ang magtiis para sa paggawa ng tama dahil mas lubos kang tulad ni Jesus kapag may nagtatangkang ipako ka sa krus at umaatake sa'yo.


Maaari kang maging masaya anuman ang mangyari kung tatanawin mo ang bawat problema mula sa perspektibo ng Diyos at hindi kailanmang hahayaang ang mga sinasabi o ginagawa ng iba ang mag-kontrol ng iyong kaligayahan.



 


Pakinggan ang audio na pangangaral

Banal na Kasulatan

Araw 14Araw 16

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya