Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Ugaling PampasayaHalimbawa

Habits Of Happiness

ARAW 14 NG 33

Ugaling Pampasaya: Tingnan ang Mas Malawak na Pananaw ng Diyos

Kung nais mong maging masayang tao, kailangan mong tanawin ang bawat problema mula sa pananaw ng Diyos. Ang masasayang tao ay may mas malawak na perspektibo. Nakikita nila ang malaking larawan. Kapag hindi mo nakikita ang mga bagay mula sa perspektibo ng Diyos, madali kang masiraan ng loob, madismaya, at maging malungkot.


Anuman ang nangyayari sa'yong buhay — ang mabuti, ang masama, at ang pangit, may isinasagawang plano ang Diyos. Alam ito ni Pablo. Sabi niya sa Mga taga-Filipos 1:12, “Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang nangyari sa akin ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita” (RTPV05).


Magmula nang maging Cristiano si Pablo sa kalye papuntang Damasco, mayroon siyang isang malaking mithiin: Nais niyang mangaral sa Roma, ang sentro ng sibilisasyon nang mga panahong iyon. Ang mithiin niya ay ang maipangaral ang Ebanghelyo sa pinakamahalagang lungsod sa mundo.


Ngunit iba ang ideya ng Diyos. Imbes na isugo si Pablo sa Roma upang mangaral sa mga krusada, ginawa niya itong isang bilanggo ng Emperador, na nang mga panahong iyon ay si Nero. Si Nero ay sakdal buktot at masama.


Bilang isang bilanggo ng hari, si Pablo ay nakatanikala sa isang bantay nang 24 oras bawat araw sa loob ng dalawang taon, at ang bantay ay pinapalitan bawat apat na oras. Sa loob ng dalawang taon sa bilangguan, nakapagpatotoo siya sa 4,380 na bantay. Sino ang totoong bilanggo rito? Sino ang may mga nabihag na tagapakinig?


Hindi ito ang plano ni Pablo, ngunit ito ang plano ng Diyos sa simula pa lang. May dalawang resulta itong natitiyak tayo


Sinasabi sa Mga Taga-Filipos 4 na sa loob ng dalawang taon, may mga miyembro ng sariling pamilya ni Nero na naging mga mananampalataya dahil sa pagpapatotoo ni Pablo sa mga maharlika sa Roma.


Ikalawa, medyo mahirap patigilin sa paggawa ang isang tulad ni Pablo. Sa bilangguan, napilitan siyang matigil at, resulta nito, naisulat niya ang mas malaking bahagi ng Bagong Tipan. Napapaisip tuloy ako kung ano ang may mas malaking epekto: ang pangangaral niya sa Colosseum o ang mga aklat na sinulat niya, tulad ng Mga Taga-Roma, Una at Ikalawang Mga Taga-Corinto, Mga Taga-Galacia, Mga Taga-Efeso, Mga Taga-Filipos, at Mga Taga-Colosas. Naihayag ng pitong aklat na ito si Jesus sa milyon-milyong tao sa loob ng maraming taon.


Alam ni Pablo na may mas malaking plano ang Diyos, at nakayanan niyang maging masaya dahil nakita niya ang ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang problema.


Kahit kailan na may problema kang nakakapagpalungkot sa'yo, kailangan mong gawin ang ginawa ni Pablo — matutunang tingnan ito mula sa pananaw ng Diyos. Tanungin ang, “Ano ang ginagawa ng Diyos dito? Ano ang mas malaking larawan? Ano ang mas malaking perspektibo?” Sa gayon ay mahaharap mo ang problema nang may pananampalataya.



 


Pakinggan ang audio na pangangaral

Banal na Kasulatan

Araw 13Araw 15

Tungkol sa Gabay na ito

Habits Of Happiness

Sabayan si Pastor Rick sa seryeng ito patungkol sa paglilinang ng mga pang-araw-araw na mga ugaling tutulong sa iyong maging isang masayang tao habang sinasamahan ka niyang pag-aralan ang Mga Taga-Filipos, ang pinakamasa...

More

Ang gabay na ito © 2016 ni Rick Warren. Lahat ng katrapatan ay inilaan. Ginamit nang may pahintulot. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.rickwarren.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya