Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

7 Araw ng Kuwento ng Pasko: Isang Pampamilyang Debosyonal para sa AdbiyentoHalimbawa

7 Days of the Christmas Story: An Advent Family Devotional

ARAW 7 NG 7

Araw 7: Mga Mago

Ang mga mago, na kilala rin bilang mga matatalinong tao, ay naglakbay galing silangan para hanapin si Jesus. Maraming mga guro ng Biblia ang naniniwala na ang mga taong ito ay pinag-aralan ang siyensa ng kalawakan o ang tinatawag nating astronomiya ngayon. Naniniwala sila na ang mga taong ito ay matatalino, mayayaman at respetado. Bagaman ang Biblia ay hindi nagsasabi kung ilan silang naglakbay para makita si Jesus, ang tradisyonal na itinuturo ay tatlo. Dahil tatlo ang dala nilang regalo kay Jesus: ang ginto, insenso at mira.

Ang mga guro ng Biblia ay nagsasabi na ang mga matatalinong tao ay hindi nakarating sa bahay ni Jesus hanggang Siya ay nasa labing-anim hanggang dalawampu't apat na buwan na. Nang pumasok sila sa bahay at nasilayan si Jesus, sila ay napaluhod, ibinigay ang kanilang mga regalo, at sinamba Siya. Pagkatapos ay binalaan sila ng Diyos sa pamamagitan ng isang panaginip na huwag sabihin kay Haring Herodes kung nasaan si Jesus dahil alam ng Diyos na gusto ni Herodes patayin Siya. Bilang pagsunod sa Diyos, sila ay umuwi papuntang silangan sa ibang pamamaraan.

Ang mga matatalinong taong ito ang pinakaunang mga Hentil, o di-Judiong mga tao, na nabanggit sa Biblia na sumamba kay Jesus bilang Mesiyas. Naintindihan nila ang importansya ng kapanganakan ni Jesus. Ang Diyos mismo ang dumating dito sa mundo bilang tao—isang pinagpalang regalo galing sa langit! Tumugon sila sa pamamagitan ng pagbabalik sa Kanya sa isang mapagbigay na paraan.

Gawaing Pampamilya: Para sa gawaing ito, maging mapagbigay bilang isang pamilya. Imbitahin ang mga bata na ibigay ang kanilang mga laruan o gamitin ang sarili nilang pera para bumili ng regalo para sa isang pamilyang nangangailangan. Ihatid ang regalo kasama ang iyong mga anak. O di kaya ay pangunahan ang mga bata na magbigay ng sariling pera sa pag-aalay sa simbahan. Sama-sama, isipin ang iba't-ibang mga paraan na kayo ay magiging mapagbigay at makakadagdag biyaya bilang pamilya. Gamitin ang gawaing ito upang mapag-usapan na ang pag-ibig ni Jesus sa atin ay isa ring regalo at kung paanong isang paraan para maibalik natin ito sa Kanya ay ang pagiging mapagbigay sa iba.

Mga Tanong Pang-Talakayan sa Pamilya: 

• Anong paboritong regalo mo ang naibigay mo sa iba?

* Anong pakiramdam mo sa iyong pagbibigay ng regalong ito?

Ang Gabay na ito ay halaw sa ibang sanggunian. Alamin sa www.25ChristmasStories.com 

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

7 Days of the Christmas Story: An Advent Family Devotional

Tila tayong lahat ay nangangailangan ng mahigpit na yakap, tunay na koneksyon, at isang bagay na kasiya-siyang ipagdiwang sa panahon ngayon. Dalangin namin na itong debosyonal na pang-Adbiyento ay magbibigay sa iyo at sa iyong pamilya ng pamamaraan na makipag-ugnayan, matuto tungkol sa tunay na kuwento ng Pasko, at ipagdiwang ang kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng mga bagong tradisyon, kuwentong pang-hapunan, pag-uusap bago matulog, at gawaing pampamilya. Nais namin sana na itong "yakap" ng Pasko ay magdala ng magagandang alaala sa iyong tahanan ngayong panahon ng Adbiyento!

More

Nais naming pasalamatan ang B&H Publishing sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.bhpublishinggroup.com/25-days-of-the-christmas-story/