7 Araw ng Kuwento ng Pasko: Isang Pampamilyang Debosyonal para sa AdbiyentoHalimbawa
Araw 1: David
Hindi lamang si Jesus ang Anak ng Diyos, Siya rin ay nagkaroon ng mga magulang sa panahon Niya rito sa mundo. Ang ama ni Jesus, si Jose, ay inampon Siya sa angkan ng pamilya ni David, at ang Kanyang ina, si Maria, ay mula rin sa angkan ni David. Kung nagtatanong ka, ito ay si David, ang batang pastol na tumalo kay Goliat! Kapani-paniwala ba? Si Jesus ay naging malayong apo (dalawampu't walong henerasyon) ni David, bilang pagtupad sa isang propesiya na sinabi nang isang daang taong mas maaga tungkol sa parating na Mesiyas bilang inapo ni David (2 Samuel 7:12–16).
Kilala ng mga tao sa panahon ng kapanganakan ni Jesus kung sino si David. Siya ay lumaki, naging hari at sinulat ang libro ng Mga Awit. Pero mas importante, lumago ang pananampalataya ni David, at siya ay nakilala bilang “isang taong mula sa Kanyang [ng Diyos] puso” (1 Samuel 13:14). Tuwing si Jesus ay tinatawag na “Anak ni David” sa Biblia, ito ay dahil sa mga taong may pananampalataya na si Jesus ang ipinangakong Mesiyas o ang matagal na hinintay na Tagapagligtas. Sila ay naniniwala na si Jesus ay may kapangyarihan na iligtas sila mula sa kahirapan at mga sakit.
Gawaing Pampamilya: Maghanda ng espesyal na panghimagas nang maaga, pero huwag sabihin sa iyong mga anak! Takpan muna ang kanilang mga mata. Tapos, gabayan sila sa isang listahan ng gawaing pandama. Bago simulan ang bawat gawain, tanungin sila kung may tiwala pa ba sila sa iyo. Kumuha ng kandila o kahit anong mabangong bagay at tanungin sila kung ano ang amoy. Pagkatapos, dalhin sila sa banyo para maghugas ng mga kamay. Panghuli, dalhin sila sa kusina. Ipabuka sa kanila ang kanilang mga bibig. Magbigay ng isang kagat ng kanilang paboritong minatamis! Pagkatapos ay tanggalin ang takip sa kanilang mga mata.Tanungin ang iyong mga anak kung anong pakiramdam sa kanilang paglalakbay nang nakapikit. Natakot ba sila? Nagtiwala ba sila sa iyo? Gamitin ang gawaing ito para matalakay sa kanila ang pagtitiwala sa Diyos kahit hindi alam kung saan ka Niya dadalhin.
Mga Tanong Pang-Talakayan sa Pamilya:
• Anong ibig sabihin ng pagbibigay-tiwala sa isang tao?
• Makakaisip ka ba ng halimbawa kung saan nagtiwala ka sa Diyos at iniligtas ka Niya?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tila tayong lahat ay nangangailangan ng mahigpit na yakap, tunay na koneksyon, at isang bagay na kasiya-siyang ipagdiwang sa panahon ngayon. Dalangin namin na itong debosyonal na pang-Adbiyento ay magbibigay sa iyo at sa iyong pamilya ng pamamaraan na makipag-ugnayan, matuto tungkol sa tunay na kuwento ng Pasko, at ipagdiwang ang kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng mga bagong tradisyon, kuwentong pang-hapunan, pag-uusap bago matulog, at gawaing pampamilya. Nais namin sana na itong "yakap" ng Pasko ay magdala ng magagandang alaala sa iyong tahanan ngayong panahon ng Adbiyento!
More