Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

7 Araw ng Kuwento ng Pasko: Isang Pampamilyang Debosyonal para sa AdbiyentoHalimbawa

7 Days of the Christmas Story: An Advent Family Devotional

ARAW 3 NG 7

Araw 3: Jose

Si Jose ay isang binatang karpintero, na may kasunduang ikasal kay Maria, nang sinabihan siya ni Maria na magkakaroon siya ng sanggol. Si Jose ay nagkaroon ng malaking pagpapasyahan. Dahil hindi pa sila kasal at si Maria ay buntis, alam niya na hindi papahintulutan ito ng mga Judio at si Maria ay mapupunta sa gulo. Dahil si Jose ay nagmamalasakit kay Maria, gumawa siya ng plano para maprotektahan si Maria at matapos ang kanilang relasyon nang tahimik. Ngunit pagkatapos, isang anghel ng Diyos ang dumating sa kanyang panaginip. “Huwag kang matakot na magpakasal kay Maria,” sabi ng anghel. “Ang sanggol ay galing sa Espiritu Santo.”

Pinili ng Diyos si Jose upang maging ama ni Jesus dito sa mundo. Ang galing, di ba? Sa kulturang Judio, kakaunti lang ang mga lalaking nagpapalaki ng batang hindi kanila. Sa kabila ng mga iniisip ng iba, si Jose ay isang lalaking may integridad. Sa madaling salita, hindi lang nagsasabi si Jose na naniniwala siya sa Diyos; ginawa rin niya kung ano ang gusto ng Diyos. Pinalaki ni Jose si Jesus bilang isang anak, tinuruan niya maging karpintero at minahal siya nang buong puso. Maaari sanang hayaan na lang ni Jose si Maria na alagaan si Jesus nang mag-isa. Sa halip na gawin kung ano ang inaasahan ng mga tao sa kanyang paligid, ginawa niya kung ano ang gusto ng Diyos. Ang resulta, si Jose ay nagkaroon ng di kapani-paniwalang pribelehiyo na maging ama ni Jesus.

Gawaing Pampamilya: Gawin ang larong pang-integridad. Kumuha ng dalawang pirasong papel. Isulat ang “Oo” sa isang piraso at ang “Hindi” sa kabilang piraso. Hatiin ang silid sa dalawa gamit ang isang tali o tape habang inilalagay ang papel na may “Oo” sa isang bahagi ng silid at ang “Hindi” na papel sa kabilang bahagi. Lahat ay magbibigay ng mga sitwayson kung saan masusubukan ang integridad ng isang tao. Halimbawa, pwede mo ibahagi ang ganitong pangyayari: Aksidenteng nasira ni Connor ang kwaderno ng kanyang kapatid na babae. Nang tanungin siya nito, sinabi nya na hindi siya nakialam nito. Imbitahan ang mga anak mong tumapak sa "Oo" na bahagi ng silid kung sa tingin nila ay si Connor ay kumikilos nang may integridad at sa “Hindi” na bahagi kung sa tingin nila ay kumikilos siya nang walang integridad. Itanong sa kanila, “Ano ang gusto ng Diyos na gawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon?” Isaayos ang tanong ayon sa edad ng anak.

Mga Tanong Pang-Talakayan sa Pamilya: 

• Magbigay ng halimbawa ng kakilala na madalas ginagawa ang kagustuhan ng Diyos kahit na hindi inaasahan.

• Ilarawan siya.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

7 Days of the Christmas Story: An Advent Family Devotional

Tila tayong lahat ay nangangailangan ng mahigpit na yakap, tunay na koneksyon, at isang bagay na kasiya-siyang ipagdiwang sa panahon ngayon. Dalangin namin na itong debosyonal na pang-Adbiyento ay magbibigay sa iyo at sa iyong pamilya ng pamamaraan na makipag-ugnayan, matuto tungkol sa tunay na kuwento ng Pasko, at ipagdiwang ang kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng mga bagong tradisyon, kuwentong pang-hapunan, pag-uusap bago matulog, at gawaing pampamilya. Nais namin sana na itong "yakap" ng Pasko ay magdala ng magagandang alaala sa iyong tahanan ngayong panahon ng Adbiyento!

More

Nais naming pasalamatan ang B&H Publishing sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.bhpublishinggroup.com/25-days-of-the-christmas-story/