Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

7 Araw ng Kuwento ng Pasko: Isang Pampamilyang Debosyonal para sa AdbiyentoHalimbawa

7 Days of the Christmas Story: An Advent Family Devotional

ARAW 2 NG 7

Araw 2: Maria

Si Maria ay ina ni Jesus. HIndi ba kamangha-mangha? Sa tingin mo, bakit kaya siya ang pinili ng Diyos para sa isang bagay na napakaimportante? Siya ba ay isang prinsesa? O baka dahil siya ay mayaman? Sa tingin mo ba ay sikat siya? 

Si Maria ay hindi alinman sa mga bagay na ito. Si Maria ay bata pa at mahirap. Karamihan sa mga tagapagturo ng Biblia ay naniniwala na siya ay labing-apat na taong gulang nang siya ay mabuntis kay Jesus dahil ito ang karaniwang edad ng mga dalaga na makasal. Si Maria rin ay nanirahan sa isang nayon na di naman malaki ang importansya. Higit pa diyan, siya ay isang birhen, na nangangahulugan na hindi pa siya maaaring magkaroon ng sanggol. Bata pa. Mahirap. Hindi tanyag. Di pa kayang magkaroon ng anak. Sa tingin mo, siya ba ang klase ng babae na pipiliin mo bilang ina ni Jesus? Siguro ay hindi. Pero si Maria ay magpakumbaba.

Sinasabi sa Biblia na binibigyan ng karangalan ng Diyos ang mga taong may pusong magpakumbaba, mga taong inuuna ang Diyos kahit na anumang kapalit. Ang pagiging mapagpakumbaba ay hindi ang pagyayabang ng sarili kundi ang pagbibigay ng serbisyo sa iba na hindi naghahangad ng papuri. Ang taong magpakumbaba ay kumikilos na parang ang Diyos lang ang nakakakita. Pinili si Maria ng Diyos, isang dalaga na hindi importante sa paningin ng mundo, na maging ina ng Tagapagligtas ng daigdig. Bakit? Dahil malinaw ang mapagpakumbabang puso ni Maria nang sagutin niya ang anghel na si Gabriel na, “Mahal ko ang Diyos. Gagawin ko lahat ng kanyang kahilingan sa akin.”

Gawaing Pampamilya: Tipunin lahat ng mga flashlight, mga de-kuryenteng mga lampara, o mga maliliit na ilaw na iyong mahahanap. Ilagay lahat sa mesa. Buksan ang mga ilaw. Pag-usapan ang kaibahan ng bawat isa. Maglakad sa loob ng bahay at talakayin kung anu-ano ang mga pinagkaiba ng mga ilaw, mula sa ilaw na pansahig at pangmesa. Magtanong, "Alin ang paboritong ilaw ng lahat?” at “May ilaw ba na ayaw mo gamitin dahil pangit?” Magpasya kung alin ang pinakapangit na ilaw. Pagkatapos, basahin ang Samuel 16:7 nang magkasama. Pag-usapan na kahit anuman ang itsura ng ilaw, ang pinakaimportante ay ang ilaw na nanggagaling mula sa loob. Sa parehong paraan, kahit gaano katanyag, gwapo, talentado, o mayaman ang isang tao sa labas na anyo, ang Diyos ay tumitingin sa ilaw na naggagaling sa kanyang puso. Ang puso ni Maria ay maliwanag na ilaw sa paningin ng Diyos!

Mga Tanong Pang-Talakayan sa Pamilya: 

• Ano ang isang bagay na naisip mong gawin para sa ibang tao para ipakita ang pagmamahal ng Diyos pero hindi mo pa nagagawa?

• Gagawin mo pa rin ba ito kahit na walang nakatingin at walang papuri?

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

7 Days of the Christmas Story: An Advent Family Devotional

Tila tayong lahat ay nangangailangan ng mahigpit na yakap, tunay na koneksyon, at isang bagay na kasiya-siyang ipagdiwang sa panahon ngayon. Dalangin namin na itong debosyonal na pang-Adbiyento ay magbibigay sa iyo at sa iyong pamilya ng pamamaraan na makipag-ugnayan, matuto tungkol sa tunay na kuwento ng Pasko, at ipagdiwang ang kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng mga bagong tradisyon, kuwentong pang-hapunan, pag-uusap bago matulog, at gawaing pampamilya. Nais namin sana na itong "yakap" ng Pasko ay magdala ng magagandang alaala sa iyong tahanan ngayong panahon ng Adbiyento!

More

Nais naming pasalamatan ang B&H Publishing sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.bhpublishinggroup.com/25-days-of-the-christmas-story/