Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

7 Araw ng Kuwento ng Pasko: Isang Pampamilyang Debosyonal para sa AdbiyentoHalimbawa

7 Days of the Christmas Story: An Advent Family Devotional

ARAW 6 NG 7

Araw 6: Mga Anghel

Sa Biblia, kadalasan nating nababasa ang tungkol sa mga anghel na naghahatid ng mga mensahe sa bayan ng Diyos. Natatandaan mo pa ba si Gabriel? Ang kanyang mensahe kay Zacarias at kay Maria ang nagsimula ng kuwento ng Pasko sa pagkakaalam natin. Maliban kay Gabriel, si Miguel lang ang anghel na nakikilala natin ang pangalan. Pero marami pang iba ang nariyan! Sinasabi ng Biblia na milyon-milyong mga anghel ang sumasamba sa Diyos, naglilingkod sa Kanya, at gumagawa sa Kanyang mga tagubilin. Minsan nga ay maaari mong makasalubong ang isang anghel nang hindi nalalaman (Mga Hebreo 13:2).

Gayunpaman, ang mga anghel ay hindi lagi ang mga mabuti at maamong mga nilalang na may pakpak na ipinapakita sa mga belen. Inilalarawan sa Biblia ang mga anghel na may “dakilang lakas” at sumusunod sa Diyos (Mga Awit 103:20). Marahil iyon ang dahilan kung bakit nang nakita ng mga pastol ang anghel na napapalibutan ng

kaluwalhatian ng Diyos, sila ay natakot. Ngunit sinabi ng anghel, “Huwag kayong matakot” (Lucas 2:10). Pagkatapos, sa isang iglap, marami pang mga anghel ang dumating at nagbigay ng liwanag sa kalangitan sa itaas ng mga pastol ng gabing iyon bilang mga unang tagapagbalita na magpapahayag ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa mundo. Dumating nang may buong lakas, ang mga anghel ay naghatid ng isang mensahe na walang katulad: ang ilaw ng buong mundo— ang Anak ng Diyos, si Jesus— ay dumating! Ang Kanyang lakas ay tatalo sa kadiliman ng kasalanan minsan at magpakailanman.

Gawaing Pampamilya: HIndi lamang nagbigay papuri ang mga anghel sa Diyos, nagbigay ilaw din sila sa kalangitan sa itaas ng mga pastol ng gabing iyon. Ipinahayag nila ang pagtatagumpay laban sa madilim na pwersa ng kasamaan sa kapanganakan ng ipinangakong Mesias.

Ngayong gabi, lahat kayo ay magsuot ng pajama na pang-Pasko. Magluto ng popcorn. Sumakay sa inyong sasakyan. Mamasyal kayo habang kumakain ng popcorn at tumitingin sa mga bahay na pinalamutian na nagbibigay liwanag sa kalangitan ng gabi sa inyong kapitbahayan. Pag-usapan kung paano ang mga maliliwanag na ilaw ng Pasko ay kayang talunin ang dilim ng gabi at paliwanagin ang mga bahay. Sa parehong paraan, tuwing susundin natin si Jesus, na ang “liwanag ng mundo,” tayo ay may lakas ng loob na "hindi tayo lalakad sa dilim” dahil tayo ay “may ilaw ng buhay” na nagniningning sa ating sarili(John 8:12).

Mga Tanong Pang-Talakayan sa Pamilya: 

• Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng "maglakad sa liwanag"?

• Bakit sa tingin mo ay kailangan nating manalangin para bigyang-lakas na gawin ito?

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

7 Days of the Christmas Story: An Advent Family Devotional

Tila tayong lahat ay nangangailangan ng mahigpit na yakap, tunay na koneksyon, at isang bagay na kasiya-siyang ipagdiwang sa panahon ngayon. Dalangin namin na itong debosyonal na pang-Adbiyento ay magbibigay sa iyo at sa iyong pamilya ng pamamaraan na makipag-ugnayan, matuto tungkol sa tunay na kuwento ng Pasko, at ipagdiwang ang kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng mga bagong tradisyon, kuwentong pang-hapunan, pag-uusap bago matulog, at gawaing pampamilya. Nais namin sana na itong "yakap" ng Pasko ay magdala ng magagandang alaala sa iyong tahanan ngayong panahon ng Adbiyento!

More

Nais naming pasalamatan ang B&H Publishing sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.bhpublishinggroup.com/25-days-of-the-christmas-story/