Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

7 Araw ng Kuwento ng Pasko: Isang Pampamilyang Debosyonal para sa AdbiyentoHalimbawa

7 Days of the Christmas Story: An Advent Family Devotional

ARAW 5 NG 7

Araw 5: Mga Pastol

Tulad ni Maria, ang ina ni Jesus, ang mga pastol na namumuhay sa panahon ni Jesus ay hindi nakakamangha. Mababa ang pananaw sa kanila. Ang pagiging pastol ay mahirap at ang trabahong ito ay madalas ibinibigay sa pinakabata sa pamilya. Kahit si David, bago naging hari, ay di-binigyang importansya noong siya ay isa pang batang pastol. Ngunit ang Diyos ay madalas na nagpapakita sa mga taong nakaligtaan ng mundo upang ipakita na Siya ay mas nagbibigay ng importansya sa laman ng ating mga puso.

Sa Lucas 2, halos maririnig mo ang kagalakan sa boses ng mga pastol habang sila ay nagmamadali papuntang Bethlehem para hanapin si Jesus. Pagkakita nila kay Jesus gamit ang kanilang sariling mga mata, sinamba nila Siya, na nangangahulugang minahal nila lahat tungkol sa Kanya. Sa pagbalik nila sa mga parang, ang mga pastol ay hindi mapatahimik tungkol sa kanilang nakita. 

Sinabihan nila lahat kung gaano nila Siya sinamba! Pagkalipas ng mga taon, sa Kanyang ministeryo, sinabi ni Jesus, “Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa kanyang tupa” (John 10:11). Tinutukoy ni Jesus ang kanyang pagkamatay sa krus upang mabayaran ang halaga ng ating mga kasalanan. Marahil ito ang pangunahing rason kung bakit ginamit ng Diyos itong mga nasasabik na mga pastol bilang Kanyang mga unang tagapaghatid ng magandang balita tungkol sa kapanganakan ni Jesus!

Gawaing Pampamilya: Sinabi ni propetang Isaias na, “O kay gandang pagmasdan sa mga kabundukan, ang sugong dumarating upang ipahayag ang kapayapaan, at nagdadala ng Magandang Balita. Ipahahayag niya ang tagumpay at sasabihin:'Zion, ang Diyos mo ay naghahari!’” (Isaias 52:7 RTPV05). Isipin mo ang mga paa ng mga pastol noong unang Pasko na tumatakbo sa kanayunan na nagpapahayag ng Magandang Balita ni Jesus! Ngayong gabi, gamitin mo ang sariling mga paa upang ipahayag ang Magandang Balita. Simulan sa tahanan. Sama-samang manalangin at hingin sa Diyos na palawigin pa ang pagsamba para sa Kanya. Pagkatapos ay maglakad kasama ang pamilya sa inyong lugar habang nananalangin para sa mga tao sa bawat bahay. Gamitin itong gawain upang mapag-usapan kasama ang mga anak kung paano maibabahagi sa iba ang pagmamahal ni Jesus sa mga taong nasa paligid.

Mga Tanong Pang-Talakayan sa Pamilya: 

• Ano ang isang bagay na labis mong minamahal at gusto mong ikuwento sa iba (isang laruan, isang kaibigan, isang alaala, atbp.)?

• Naibahagi mo na ba ang tungkol kay Jesus nang may kaparehong kagalakan?

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

7 Days of the Christmas Story: An Advent Family Devotional

Tila tayong lahat ay nangangailangan ng mahigpit na yakap, tunay na koneksyon, at isang bagay na kasiya-siyang ipagdiwang sa panahon ngayon. Dalangin namin na itong debosyonal na pang-Adbiyento ay magbibigay sa iyo at sa iyong pamilya ng pamamaraan na makipag-ugnayan, matuto tungkol sa tunay na kuwento ng Pasko, at ipagdiwang ang kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng mga bagong tradisyon, kuwentong pang-hapunan, pag-uusap bago matulog, at gawaing pampamilya. Nais namin sana na itong "yakap" ng Pasko ay magdala ng magagandang alaala sa iyong tahanan ngayong panahon ng Adbiyento!

More

Nais naming pasalamatan ang B&H Publishing sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.bhpublishinggroup.com/25-days-of-the-christmas-story/