Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga MagulangHalimbawa

12 Huge Mistakes Parents Can Avoid

ARAW 6 NG 12

Nagsisinungaling Tayo Tungkol sa Kanilang Kakayahan

Ang aming senior pastor, si Craig Groeschel, ay nakikipag-usap kamakailan sa mga kabataang lider nang sabihin niyang, “Madalas na napapasobra ang pagtaya mo sa magagawa mo sa maikling panahon, ngunit lubos mo namang minamaliit ang magagawa ng Diyos sa pamamagitan mo sa mahabang panahon.” Maaari nating sabihin na si Craig ay nakikipag-usap sa mga nasa hustong gulang na ang mga magulang, guro, at kultura ay nakagawa ng ika-anim na pagkakamali dalawampu't limang taon na ang nakalipas. Ang mga taong ito ay siyang nagiging mga magulang ngayon. Ang ika-anim na pagkakamali ni Tim ay sumasalamin sa pahayag ni Craig, "Nagsisinungaling tayo tungkol sa kanilang kakayahan at hindi sinasaliksik ang kanilang tunay na kakayahan."

Kung gayon, paano natin babaguhin ang landas na daraanan ng susunod na henerasyon? Magsumikap tayo upang matuklasan ang mga kakayahan na ibinigay ng Diyos sa ating mga anak. Harapin natin ang mahihirap na pag-uusap kapag alam nating ayaw harapin ng mga anak natin ang malalaking laban sa ilang natatanging lugar ng interes nila. Tulungan natin silang matuklasan ang kanilang mga kalakasan at gabayan sila na gamitin ang mga ito nang may tiyaga.

Sa kanyang aklat tungkol sa 12 pagkakamaling ito, inilalarawan ni Tim ang dalawang grupo ng limang mensaheng pinagtutuunan niya ng pansin sa kanyang mga anak. Ang unang limang ay ginawa niya sa kanilang unang limang taon ng buhay, at ang pangalawang limang ay sa kanilang huling limang taon sa bahay. Narito ang dalawang grupo sa ibaba.

Unang Limang Taon Sa Bahay

  • Mahal ka.
  • Ligtas ka.
  • Mahalaga ka.
  • Ikaw ay may natatanging regalo.
  • Sinusuportahan ka.

Huling Limang Taon Sa Bahay

  • Mahirap ang buhay.
  • Hindi ikaw ang may kontrol.
  • Hindi ka ganoon kahalaga.
  • Ang buhay mo ay hindi tungkol sa iyo.
  • Mamamatay ka balang araw at mag-iiwan ng pamana.

Sandaling Huminto: Anong mga pagbabago ang nagawa ko sa aking pamamaraan ng pagiging magulang mula nang simulan ang gabay na ito? Ano ang aking mga susunod na hakbang sa paglalapat ng konsepto ngayon?

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

12 Huge Mistakes Parents Can Avoid

Nakiisa si Dr. Tim Elmore sa Life.Church para ibahagi ang 12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Iwasan ng mga Magulang. Lahat tayo ay nagnanais ng pinakamahusay para sa ating mga anak, ngunit kung minsan ang ating sariling mabubuting intensyon ay siyang nagiging dahilan upang magkamali sila ng mga landas. Itama natin ang landas at akayin ang ating mga anak na maging maunlad kapag sila ay nasa wastong gulang na at maging ganap na tapat na mga tagasunod ni Cristo. Para sa higit pang nilalaman, tingnan ang finds.life.church

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church