12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga MagulangHalimbawa
Ginagawa Natin Ito Para Sa Kanila
"Ay, anak, hayaan mo akong gawin iyon para sa iyo." Ilang mabubuti at mga mapagmahal na magulang na ang alam nating nagtali ng sapatos ng kanilang anak, sinubuan sila sa kanilang pagkain, pinagtakpan sa kanilang mga pagkakamali, o tinapos ang kanilang mga gagawing papeles nang medyo mahaba? Sa katunayan, ito marahil ang isa sa mga pinakakaraniwang pagkakamali ng mga aktibo at may mabuting hangarin na mga magulang.
May isang mabuting tao sa Biblia na isa ring magulang at isang alagad ng Diyos na nagngangalang Eli. Ang kanyang dalawang anak na lalaki ay kilala sa kanilang kakila-kilabot na maling paggamit sa templo ng Diyos bilang isang paraan upang patabain ang kanilang mga tiyan at samantalahin ang mga babae. Gayunpaman, ipinakita si Eli bilang isang mabuting tao na pinararangalan ang Diyos. Hindi natin nakuha ang isang detalyadong kasaysayan kung paano pinalaki ni Eli ang kanyang mga anak sa murang edad, ngunit alam natin na nang matuklasan niya na ang kanyang mga anak na lalaki ay umaakit sa mga babae sa templo upang matulog kasama nila, hindi niya halos pinarusahan ang mga ito, at hinayaan silang manatili sa kanilang mga posisyon sa templo.
Batay sa nalalaman natin, maiisip natin na hindi nakuha ng mga anak ni Eli ang kanilang mga tungkulin sa templo dahil sa kanilang debosyon sa Diyos. Bilang pinuno ng templo, marahil ay nakuha ni Eli ang mga tungkuling ito para sa kanila? Maaari nating hulaan na ang mga anak ni Eli ay walang gaanong kaugnayan sa Diyos. Baka umasa din sila sa tatay nila? Ligtas na ipagpalagay na ang mga anak ni Eli ay hindi dinala ang pasanin ng kanilang sariling mga aksyon. Iminumungkahi ng Kasulatan na ginawa rin iyon ni Eli para sa kanila. Sa anupaman, naniwala ang mga anak ni Eli na may karapatan silang kunin ang gusto nila sa Diyos at sa Kanyang bayan. Malamang na hindi ito napagtanto ni Eli, ngunit ang pag-aakala ng kanyang mga anak na sila'y may karapatan ay nilikha rin niya para sa kanila.
Kaya, sa halip na gawin ito para sa ating mga anak, gawin natin ito kasama sila habang sila'y bata pa at gabayan sila na gawin ito sa kanilang sarili habang sila ay tumatanda. Tayo ang maging tagasanay nila, hindi ang kapalit nila. Tayo ang maging gabay nila, hindi ang kanilang diyos—ang kanilang kasangguni, hindi ang kanilang kontratista.
Plano: Gumawa ng listahan ng hindi bababa sa tatlong bagay na binabalak mong ihinto ang paggawa para sa iyong mga anak. Gumawa ng planong naaangkop sa edad nila upang matulungan silang maunawaan ang kanilang mga bagong responsibilidad.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nakiisa si Dr. Tim Elmore sa Life.Church para ibahagi ang 12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Iwasan ng mga Magulang. Lahat tayo ay nagnanais ng pinakamahusay para sa ating mga anak, ngunit kung minsan ang ating sariling mabubuting intensyon ay siyang nagiging dahilan upang magkamali sila ng mga landas. Itama natin ang landas at akayin ang ating mga anak na maging maunlad kapag sila ay nasa wastong gulang na at maging ganap na tapat na mga tagasunod ni Cristo. Para sa higit pang nilalaman, tingnan ang finds.life.church
More