12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga MagulangHalimbawa
Inihahanda Natin ang Landas
Ang huling pagkakamaling ito ay maaaring sabihing pagsasama-sama ng unang 11 pagkakamali. Isipin ang unang 11: hindi natin hahayaang mabigo sila, ipinagpapatuloy natin ang ating buhay sa pamamagitan nila, inuuna natin ang kanilang kaligayahan, pabago-bago tayo, tinatanggal natin ang mga kahihinatnan, nagsisinungaling tayo tungkol sa potensyal, hindi natin sila hinahayaang maghirap, nagbibigay tayo sa kanila kung ano ang dapat nilang kitain, pinupuri natin ang mga maling bagay, inaalis natin ang kanilang sakit, at ginagawa natin ito para sa kanila. Pagsama-samahin ang lahat ng ito at mayroon kang magulang na nagsisikap na ihanda ang landas para sa kanilang anak sa halip na ihanda ang kanilang anak para sa landas.
Ang Kawikaan 22:6 RTPV05 ay nagpapayo sa atin, Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan. Ang hindi sinasabi nito ay, "Ihanda ang lahat nang perpekto para sa iyong mga anak upang sila'y magtagumpay, at sa kanilang paglaki ay magpapasalamat sila para dito."
Ang Mga Awit 23 ay isa pang kilalang Kasulatan, ngunit hindi ito karaniwang binabanggit para sa payo ng pagiging magulang nito. Muli nating hanapin ang ilan sa mga larawang salita na nilikha ng salmista habang nagsusulat tungkol sa ating makalangit na magulang. Ang Panginoon ay pastol, patnubay, pinuno, mang-aaliw, tagapaghanda, kasama sa madilim na lugar, tagapagtalaga, at isang nagmamahal habang-buhay. Paano kung sumulat ang iyong anak ng isang salmo tungkol sa iyo? Paano mo ito gustong basahin?
Pagsasanay: Basahin ang Mga Awit 23 kasama ng iyong anak. Kung maaari, hilingin sa kanila na ibahagi kung ano ang nararamdaman nila tungkol sa Diyos bilang isang magulang. Ibahagi ang tungkol sa iyong pagsisikap na maging katulad Niya sa iyong pagiging magulang.
Nasiyahan ka ba sa Gabay sa Biblia na ito? Kunin ang parehong libreng materyal para pag-usapan sa isang maliit na grupo < /p>
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nakiisa si Dr. Tim Elmore sa Life.Church para ibahagi ang 12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Iwasan ng mga Magulang. Lahat tayo ay nagnanais ng pinakamahusay para sa ating mga anak, ngunit kung minsan ang ating sariling mabubuting intensyon ay siyang nagiging dahilan upang magkamali sila ng mga landas. Itama natin ang landas at akayin ang ating mga anak na maging maunlad kapag sila ay nasa wastong gulang na at maging ganap na tapat na mga tagasunod ni Cristo. Para sa higit pang nilalaman, tingnan ang finds.life.church
More