Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga MagulangHalimbawa

12 Huge Mistakes Parents Can Avoid

ARAW 4 NG 12

Paiba-iba Tayo

Talaga ba, Tim? Kailangan mo bang banggitin ito? Gusto nating isipin na kukunin lang ng ating mga anak ang ating pinakamahuhusay na pag-uugali. Nakakalimutan natin ang mga negatibo sa atin at ipinapalagay na ang ating mga anak ay nagagalak sa ating mga positibo. Ganun naman ang ginagawa ng kapalaluan natin, 'di ba? Pinipigilan tayo nito na makita ang katotohanan ng ating kabiguan na patuloy na gawing huwaran ang ating buhay habang inaasahan nating ipamumuhay ito ng ating mga anak balang araw. Salamat, Tim, na hindi mo hinayaang maging hadlang ang aming kapalaluan upang matulungan kaming maging magulang ng aming mga anak tungo sa matagumpay na pagiging maygulang.

Ngayon, sabay-sabay tayong mangako na itigil ang pagpapatahimik sa mga bulong ng Banal na Espiritu at sa halip ay durugin ang kapangyarihan ng pagmamataas sa ating buhay. Kailangan natin ito, at kailangan ito ng ating mga anak. Nalilito sila. Hindi nila alam kung aling bersyon natin ang huwaran ng kanilang buhay. Ang nagsasabi ba nito o ang gumagawa nito?

Gusto ba nating maghintay ang ating anak hanggang sa sila'y kasal na bago makipagtalik? Ang ating buhay ba, ang ating libangan, ang ating malalapit na kaibigan, at ang ating mga salita ay nagbibigay ng ganitong paniniwala sa kanila? Nais ba nating magkaroon ng malinis na bibig ang ating mga anak? Ano ang masasabi ng ating sariling mga bibig tungkol dito? Talaga bang “halos oras na ng pagtulog” ang 6:58 ng hapon—bakit lagi nating sinasabi iyan?

Sinabi ni Tim, "Ang pagiging paiba-iba ay nagbubunga ng kawalan ng kapanatagan sa ating mga anak." Kaya, paano natin sila mabibigyan ng seguridad? Huwag paiba-iba. Ngunit paano tayo maaaring mamuhay na hindi paiba-iba? Tanggalin natin ang ating pagmamataas, pakinggan si Tim, at pagkatapos ay basahin kung ano ang pinakamahuhusay na dokumentadong kaisipan ni Jesus tungkol sa pag-uugali ng tao: Ang Sermon sa Bundok.

Plano: Gumawa ng plano para maiwasan ang pagiging paiba-iba sa iyong pagiging magulang. Gumawa ng listahan ng mga pangunahing paniniwalang maaaring ilatag at ipaliwanag sa iyong mga anak.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

12 Huge Mistakes Parents Can Avoid

Nakiisa si Dr. Tim Elmore sa Life.Church para ibahagi ang 12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Iwasan ng mga Magulang. Lahat tayo ay nagnanais ng pinakamahusay para sa ating mga anak, ngunit kung minsan ang ating sariling mabubuting intensyon ay siyang nagiging dahilan upang magkamali sila ng mga landas. Itama natin ang landas at akayin ang ating mga anak na maging maunlad kapag sila ay nasa wastong gulang na at maging ganap na tapat na mga tagasunod ni Cristo. Para sa higit pang nilalaman, tingnan ang finds.life.church

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church