Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga MagulangHalimbawa

12 Huge Mistakes Parents Can Avoid

ARAW 9 NG 12

Pinupuri Natin Ang Mga Maling Bagay

Sa lahat ng mga talata sa Banal na Kasulatan tungkol sa mga bata, wala ni isa ang nagsasabing, “Purihin mo ang iyong mga anak sa bawat araw na gumising sila. Huwag mo hahayaang lumubog ang araw nang hindi sinasabing, ‘Napakatalino mo.’” Gayunpaman, pakiramdam natin ay tinatalikuran natin ang ating mga tungkulin bilang magulang kung hindi natin pinupuri ang ating mga anak.

Bagaman ang Biblia ay maaaring hindi tuwirang tumatalakay sa isyu ng pagpupuri sa iyong mga anak, mayroon itong kaunting sinasabi tungkol sa paghihikayat sa iba. Sa katunayan, may isang talata tungkol sa paggawa nito araw-araw. Ang Mga Hebreo 3:13 TLAB ay nagsisimula ng, Nguni't kayo'y mangagpangaralan sa isa't isa araw-araw, samantalang sinasabi, 'Ngayon,' ... Ang salitang iyon, "pangaralan," ay mula sa salitang Griyego, parakaleo< /i>, na nagbibigay ng isang imahe ng pagtawag sa isang tao sa isang tabi upang turuan o aliwin siya. Nag-aalok ito ng mas magandang larawan kung paano natin dapat hikayatin ang ating mga anak. Sa halip na mabilis na sabihin sa kanila na sila ay maganda o matalino, dapat nating tawagin sila sa isang tabi at direktang magsalita sa kanilang mga natatanging kagalingan at pagsisikap.

Magugustuhan mo ang kuwento ni Tim ngayon, ngunit tingnan muna natin ang isang listahan mula sa kanyang aklat. Nasa ibaba ang binabalangkas ni Tim bilang ang tatlong pinakakaraniwang "mga pagkakamali sa papuri" na nakikita niya sa kanyang pananaliksik at karanasan.

  1. Pinupuri natin ang mga katangiang hindi nababago. Sa halip, dapat nating purihin kung ano ang nasa kontrol nila.
  2. Pumupuri tayo nang walang ingat. Sa halip, dapat tayong maging totoo at talagang interesado.
  3. Ang ating papuri ay hindi tumutugma sa kanilang pagganap. Sa halip, ang ating papuri ay dapat na naaayon.

Manalangin: Banal na Espiritu, tutulungan Mo ba akong makita ang mga kakaibang lakas at katangian ng aking anak? Paaalalahanan Mo ba ako araw-araw para hikayatin sila sa makabuluhang paraan?

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

12 Huge Mistakes Parents Can Avoid

Nakiisa si Dr. Tim Elmore sa Life.Church para ibahagi ang 12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Iwasan ng mga Magulang. Lahat tayo ay nagnanais ng pinakamahusay para sa ating mga anak, ngunit kung minsan ang ating sariling mabubuting intensyon ay siyang nagiging dahilan upang magkamali sila ng mga landas. Itama natin ang landas at akayin ang ating mga anak na maging maunlad kapag sila ay nasa wastong gulang na at maging ganap na tapat na mga tagasunod ni Cristo. Para sa higit pang nilalaman, tingnan ang finds.life.church

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church