Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga MagulangHalimbawa

12 Huge Mistakes Parents Can Avoid

ARAW 10 NG 12

Pinahahalagahan Natin ang Pagtatanggal ng Lahat ng Sakit

Umiiyak? Narito ang isang pacifier. Nagngingipin? Narito ang isang tablet. Hindi makatulog? Narito ang ilang Tylenol na pwede sa sanggol. Baradong ilong? Masisipsip ito ng gadget na ito. Kinakabagan? Mayroon din kaming panlunas para dyan. Ang lahat ng mga panlunas sa sakit na ito ay ginagamit bago pa mag-isang taon ang ating mga anak! Hindi rin naman masama ang mga ito. Ang ating pagnanais na ilayo ang ating mga anak mula sa sakit ay napakasidhi na marahil ito ay likas sa atin. Gayunpaman, habang ipinagpapatuloy natin ang ganitong kalakaran, kailangan nating matanto ang mga kahihinatnan ng pag-aalis ng lahat ng sakit.

Kapag ang mga astronaut ay nasa isang istasyon ng kalawakan, maaari silang naroroon ng maraming buwan nang walang bigat ng gravity na nagpapagana sa kanilang mga kalamnan. Ang resulta? Pagliit ng mga kalamnan. Ang mga astronaut ay umuuwi sa kalupaan na nakakondisyon ang katawan sa kadalian ng paggalaw sa kalawakan na ang paglalakad sa lupa ay isang nakakapagod na gawain. Isang seryosong bagay ito kaya kinailangan ng NASA na magdisenyo ng napakamahal na kagamitan para gayahin ang pagbubuhat, pagbibisikleta, at paglalakad sa normal na gravity na nararanasan natin sa Mundo.

Ang pag-aalis ng sakit sa lahat ng sitwasyong kinakaharap ng ating mga anak ay parang pagpapadala sa kanila sa kanilang kinabukasan sa isang padded shuttle na walang gravity. Pagdating nila roon, hindi na sila gagana ayon sa bigat ng katotohanan. Sumasang-ayon dito si Tim, "Kapag inalis natin ang sakit, ang kakayahan ng [ating mga anak] na tiisin ang paghihirap ay nawawala." Sumasang-ayon din si Apostol Pedro, na nakasaksi sa matinding sakit na naranasan ni Jesus sa krus. Isinulat niya sa kanyang unang liham sa mga unang Cristiano, sa 1 Pedro 2:21 RTPV05, Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng isang halimbawang dapat tularan. …

Kaya, sa halip na alisin ang lahat ng sakit para sa ating mga anak, kailangan nating gabayan ang kanilang pagtugon sa sakit. Matutulungan natin silang makita ang sakit bilang pansamantalang kahirapan na kadalasang nagdadala ng pangmatagalang benepisyo. Maaari nating sabihin sa kanila ang mga kuwento kung paano nakatulong sa atin ang sakit upang maging mas malakas. Higit sa lahat, mapaalalahanan natin ang ating mga anak na lagi nating kasama si Cristo sa ating pasakit.

Sandaling Huminto: Paano ko matutulungan ang aking mga anak na makahanap ng ginhawa sa kanilang sakit? Iniiwasan ko ba ang sarili kong sakit? Jesus, ipapakita Mo ba sa akin ang Iyong presensya sa aking sakit?

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

12 Huge Mistakes Parents Can Avoid

Nakiisa si Dr. Tim Elmore sa Life.Church para ibahagi ang 12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Iwasan ng mga Magulang. Lahat tayo ay nagnanais ng pinakamahusay para sa ating mga anak, ngunit kung minsan ang ating sariling mabubuting intensyon ay siyang nagiging dahilan upang magkamali sila ng mga landas. Itama natin ang landas at akayin ang ating mga anak na maging maunlad kapag sila ay nasa wastong gulang na at maging ganap na tapat na mga tagasunod ni Cristo. Para sa higit pang nilalaman, tingnan ang finds.life.church

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church