Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga MagulangHalimbawa

12 Huge Mistakes Parents Can Avoid

ARAW 5 NG 12

Tinatanggal Natin Ang Mga Kahihinatnan

Masakit ang ulo mo. May kailangan kang gawin, kaya uminom ka ng pampaalis ng sakit. Nang sumunod na araw, ganito uli ang nangyari. Abalang-abala ka sa linggong ito, kaya uminom kang muli ng gamot. Nang sumunod na araw ay napansin mong may kaunting sipon ka, at lumalala ang sakit ng iyong ulo. Sa halip na magpahinga, uminom ka na naman ng gamot. Sa huli, pagkatapos ng ilang araw na pagtatanggal ng mga sintomas, napagtanto mong ang pagtatakip mo sa konting sipon ay humantong sa isang impeksyon. Ang ilan sa atin na nakaranas na nito ay batid na bagama't maaari tayong magkaroon ng kaunting kaginhawaan sa pagtatanggal ng mga sintomas ng pagkakasakit, ang totoo'y pinapahaba lamang natin ang ating pagdurusa.

Ganyan ang mga kahihinatnan. Hindi sila maaaring iwasan o lokohin nang tuluyan. Habang mas maaga natin silang hinaharap, mas magiging maliit sila. Habang ipinagpapaliban natin ang mga ito, mas lumalaki at mas pumapangit sila. Ang tanging paraan para talagang maalis ang mga kahihinatnan ay ang tanggapin ang mga ito at hayaan silang gawin ang kanilang trabaho sa atin. Ipinakita ito ng may-akda ng Mga Hebreo sa ikalabindalawang kabanata (RTPV05), Habang tayo'y itinutuwid, hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis, ngunit pagkatapos niyon, mararanasan natin ang kapayapaang bunga ng matuwid na pamumuhay ...

Kung gayon, paano tayo magiging magulang sa paraang makikinabang ang ating mga anak sa hinaharap? Maging magulang tayo na nakatingin sa pangmatagalan. Sa halip na tumugon sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga kahihinatnan ng kanilang mga aksyon, buong pagmamahal nating payagan ang ating mga anak na harapin ang katotohanan ng kanilang mga desisyon. Sa video ngayon, inilalarawan ni Tim kung paano natin kailangang ipagpalit ang mga panuntunan para sa mga proseso. Sa madaling salita, sa halip na sabihin sa ating mga anak, "Huwag gawin iyan," dapat nating sabihin sa kanila, "Kung gagawin mo iyon, mangyayari ito."

Manalangin: Ama, mayroon bang anumang kahihinatnan o mga lugar na kailangan ko ng disiplina na ipinagpapaliban ko sa sarili kong buhay? Maaari Mo bang ituro ang mga paraan kung paano ako magiging magulang tulad ng pagiging magulang Mo sa akin?

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

12 Huge Mistakes Parents Can Avoid

Nakiisa si Dr. Tim Elmore sa Life.Church para ibahagi ang 12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Iwasan ng mga Magulang. Lahat tayo ay nagnanais ng pinakamahusay para sa ating mga anak, ngunit kung minsan ang ating sariling mabubuting intensyon ay siyang nagiging dahilan upang magkamali sila ng mga landas. Itama natin ang landas at akayin ang ating mga anak na maging maunlad kapag sila ay nasa wastong gulang na at maging ganap na tapat na mga tagasunod ni Cristo. Para sa higit pang nilalaman, tingnan ang finds.life.church

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church