Asahan ang DiyosHalimbawa
Kung inaasahan natin na darating ang Diyos, hindi tayo dapat magulat kung Siya ay magpakita, hindi ba? Ano ang iyong minimithi?
Sinasabi ng Diyos sa Banal na Kasulatan na kung nais natin na sagutin Niya ang ating mga panalangin, dapat asahan natin ang kasagutan.
Ang mga bersikulo ni David sa buong Biblia ay puno ng pagmimithi. Isinulat niya, "Sa kinaumagahan, O Yahweh, tinig ko'y iyong dinggin, at sa pagsikat ng araw, tugon mo'y hihintayin." (Awit 5:3 RTPV05) At sa Awit 27:14 (RTPV05), tayo inuudyok ni David na: "Kay Yahweh tayo'y magtiwala! Manalig sa kanya at huwag manghinawa. Kay Yahweh tayo magtiwala!."
Maraming awit ang nagsisimula sa salmista na umiiyak sa Diyos dahil sa kawalan ng pag-asa at pighati. Ngunit madalas, sa pagtatapos ng awit, ang may-akda ay paunang nagpupuri at nagpapasalamat sa Panginoon para sa lahat ng gagawin Niya para sa kanya.
Ano kaya ang nangyari sa pagitan ng mga talatang iyon? Pinili ng salmista na asahan ang Diyos na kumilos para sa kanyang ikabubuti. Sa pamamagitan ng kanyang sariling kalooban, nagpasya siya na manindigan nang may matibay na hangarin.
Isang magandang halimbawa nito ay nasa Awit 42:9-10 (RTPV05)
“Sa Diyos na sanggalang ko ganito ang aking wika, 'Bakit ako ay nilimot, nilimot mo akong kusa'? Bakit ako nagdurusa sa kamay ng masasama? Kalooban ko'y nanghihina sa pagkutya ng kalaban, habang sila'y nagtatanong, 'Ang Diyos mo ba ay nasaan'?”
Ngunit sa susunod, at huling bersikulo ay sinasabi: "Bakit ako nalulungkot, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako'y may tiwala, siyang aking aasahan; magpupuri akong muli, pupurihing walang humpay, ang aking Tagapagligtas, ang Diyos na walang hanggan.”
Kung ikaw ay nananalangin ng may pagmimithi, igagalang iyon ng Diyos. Ang pagkakaroon ng saloobin ng paghihintay ay magdudulot ng kapayapaan at kaligayahan sa ating mga puso na hindi natin makakamit sa ibang paraan. Ang lunas sa takot at pighati ay pagaasa sa Diyos na kumilos sa ating ikabubuti.
Ano ang inaasahan mo mula sa Diyos? Ano ang inaasahan mong gagawin Niya sa iyong buhay? Kung pinagaling ka ng Diyos mula sa karamdaman noon, hindi mo ba naiisip na maari Niyang gawin ito muli?
Ang Diyos ay mabuti at Siya at tapat, kaya't inaasahan ko ang Kanyang kabutihan at katapatan. Sabi sa Kanyang Banal na Kasulatan na hindi Niya tayo iiwanan o pababayaan, kaya't inaasahan ko na Siya ay naririyan para sa akin.
Ano ang iyong pinapangarap? Ano ang iyong ipinanalangin? Pinanampalatayaanan? Huwag sumuko ngayon. Patuloy na mangarap! Patuloy na manalangin! Patuloy na maniwala! Asahan ang Diyos at papasukin ang pag-asa!
Kung ikaw ay nasiyahan sa gabay na ito, hinihikayat kitang mas maging malalim pa sa pamamagitan ng pagbabasa ng aking bagong aklat Expect God: What To Do When Your Problem is Hiding Your Promise.
Tungkol sa Gabay na ito
Ang buhay puno ng mga hindi inaasahang lakbayin, mabuti at masama. Habang madalas na madaling makita ang Diyos sa mga mabubuting panahon, lubhang mahirap na panghawakan ang pag-asa sa gitna ng mga trahedya at imposibilidad. Magkaroon ng kapangyarihan na manampalataya sa Kanya na kaya ang imposible. Kapag inasahan mo na masumpong ang Diyos sa oras ng kadiliman, ililigtas Niya ang isang tila walang pag-asang bagay sa pamamagitan ng kahima-himalang kasagutan!
More