Asahan ang DiyosHalimbawa
Natutunan ko na ang kabutihan ng Diyos ay hindi nakabase sa aking kasalukuyang kalagayan. Ang mga panahon ng buhay ay nagtataglay ng mabubuti at masasamang sandali. Ang buhay ay puno ng kasalungatan. Tayo ay nagdadaan sa mga bundok at sa mga lambak. Tayo ay nagdadaan sa mga tagumpay at sa mga kabiguan. Tayo ay mayroong pagkapanalo at pagkatalo. Wala, walang anuman, ang makapagbabago na ang Diyos ay mabuti.
Kinatagpo ako ng Diyos sa pinakamadilim na kirot at tinuruan ako na magkaroon ng pag-asa. Kayang kunin ng Diyos kahit na ang mga masasamang bagay at, sa tamang panahon, pabalingin ito, at gamitin para sa ikabubuti sa paraang nais Niya.
Nagdaan ako sa mga panahon ng pagdurusa at talagang hindi ko nakita ang kagandahan sa mga iyon, ngunit pagkalipas ng ilang taon, ang mga layunin ng Diyos ay natupad at ang tunay na kagandahan ng karanasan ay nahayag.
Isipin mo si Jose sa Aklat ng Genesis. Siya ay ipinagbili bilang alipin ng kanyang mga kapatid, napilitang gawin ang gawain ng mga alila sa Egipto, at ipinatapon sa piitan nang dahil sa isang kasinungalingan.
Tila isa itong pangit at walang kapag-asaasang tanawin! Subalit ang Diyos ay kumilos, at sa wakas ang kagandahan ng buong larawan ay nahayag. Nagawang sabihin ni Jose sa kanyang mga kapatid na, "Masama nga ang inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan." Ginawa ng Diyos na maganda ang mga karanasan ni Jose sa Kanyang takdang oras.
Isipin mo si Esteban, ang unang Cristianong martir. Ang kanyang mga kaaway ay nagsinungaling sa patungkol sa kanya at nagdala ng mga bulaang saksi sa korte.
Habang sinusubukan ni Esteban na sabihin sa kanila ang patungkol kay Cristo, kinaladkad nila siya palabas ng lungsod at binato hanggang sa mamatay. Napakapangit na tanawin—ang mang-uumog iyon na puno ng pagkapoot na naghahagis ng bato sa isang inosenteng tao. Subalit ginawa itong maganda ng Diyos sa Kanyang takdang oras, nang dahil sa maningning na mukha ni Esteban, si Saulo ng Tarsus ay naligtas at naging ang dakilang apostol na si Pablo.
Kung ikaw ay nasa kalooban ng Diyos, kahit ano mang dilim ng iyong kalagayan, alalahanin mo ito: May plano ang Diyos, may layunin ang Diyos, at gagawin ng Diyos na maganda ang lahat sa Kanyang takdang oras.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang buhay puno ng mga hindi inaasahang lakbayin, mabuti at masama. Habang madalas na madaling makita ang Diyos sa mga mabubuting panahon, lubhang mahirap na panghawakan ang pag-asa sa gitna ng mga trahedya at imposibilidad. Magkaroon ng kapangyarihan na manampalataya sa Kanya na kaya ang imposible. Kapag inasahan mo na masumpong ang Diyos sa oras ng kadiliman, ililigtas Niya ang isang tila walang pag-asang bagay sa pamamagitan ng kahima-himalang kasagutan!
More