Asahan ang DiyosHalimbawa
Isang gabi, ako ay nanaginip at doon sabi ng Diyos sa akin, "Alalahanin mo yung unang beses kitang nilulan." Noong ako ay nagising, napaka-linaw sa aking ng panaginip na iyon na tila narinig ko sa aking tainga ang boses ng Diyos. Pilit kong inalala kung kailan ako nilulan ng Makapangyarihang Diyos.
Inisip ko yung unang beses na ako ay nakunan. Iyon ang unang beses kong natagpuan ang aking sarili sa isang sitwasyon na hindi alam ang gagawin. Iyong ang unang beses na sinubok ang aking pananampalataya sa isang napaka-totoo, kongkreto, at nakadudurog-pusong paraan.
Ang ibig sabihin ng lulan ay pag-dala o pag-karga mula sa isang lugar papunta sa iba. Kung lulan mo ang iyong anak, hindi ka pirming nakatayo; iyon ay simpleng pagkarga. Sa halip, dinadala mo ang iyong anak papunta sa kung saan. Maaring kinakarga mo siya dahil siya'y napagod, o di kaya'y nais mong pumunta ng mas mabilis sa isang lugar, o marahil para lamang mas maging madali ang lahat.
Noong nilulan ako ng Diyos noong ako ay dumaan sa pagka-agas, nilulan Niya ako patungo sa isang bagong lugar sa Kanya. Dinala Niya ako sa mas mataas na antas. Kapag kinuha mo ang isang tao upang siya ay kargahin, dinadala mo sila sa mas mataas na antas. Ang mga matataas na antas ay nagbibigay ng ibang pananaw. Isipin mo ang isang batang nasa taas ng balikat ng kanyang ama upang mas makakita; nagbibigay ito ng sariwang perspektibo.
Aking napagtanto na Siya'yPALAGING naglululan sa akin. Minsan, kailangan Niya akong iduyan at ilakad ng marahan habang ako ay lumuluha sa Kanyang mga bisig. Minsan kailangan Niya akong buhatin na may mahigpit na hawak upang hindi ako tumalikod at tumakbo sa kabilang ibayo. Minsan nilululan Niya ako kahit hindi ako karapat-dapat. Nilululan Niya ako dahil lamang sa mahal Niya ako.
Ang unang beses na nilulan Niya ako ay hindi noong ako ay unang nakunan. Ang unang beses na nilulan Niya ako ay noong ako ay ipinanganak. Wala araw na lumipas na hindi Niya ako nilululan! Walang araw na lumipas na hindi Niya nilululan ang aking mga anak! At wala kailanmang araw na hindi Niya ikaw nilululan!
Kinakarga Niya tayo habang kumikilos.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng Diyos sa likod ng mga pangyayari, ngunit ako ay pinaaasa Niya na kumikilos ang mga bagay-bagay. Hindi man kapani-paniwalang malaman na ikaw ay nasa makapangyarihang bisig ng Diyos na nagmamahal sa iyo. Alam Niya kung ano ang sasabihin at kung kailan ito sasabihin mga bagay na kailangan kong marinig.
Maging mapanatag at malaman na nilululan ka Niya!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang buhay puno ng mga hindi inaasahang lakbayin, mabuti at masama. Habang madalas na madaling makita ang Diyos sa mga mabubuting panahon, lubhang mahirap na panghawakan ang pag-asa sa gitna ng mga trahedya at imposibilidad. Magkaroon ng kapangyarihan na manampalataya sa Kanya na kaya ang imposible. Kapag inasahan mo na masumpong ang Diyos sa oras ng kadiliman, ililigtas Niya ang isang tila walang pag-asang bagay sa pamamagitan ng kahima-himalang kasagutan!
More