Asahan ang DiyosHalimbawa
Ayon sa nakasaad sa modernong translasyon ng Biblia na The Message “I look to you, heaven-dwelling God, look up to You for help..” Psalm 123:1
Ang salitang help ay nangangahulugang tulong. Ang tulong, sa naturang talatang ito ng Banal na Kasulatan, ay ang Griyegong salita na boetheia. Ang isinasalarawan nito ay isang taong, noong nakarinig ng paghingi ng tulong, tumakbo upang magbigay ng saklolo o alalay. Ang boetheia ay lumalarawan sa tulong na ibinibigay upang tugunan ang isang pangangailangan. Sa sekular na Griyego, ang salitang ito ay ginagamit upang isalarawan ang isang tulong na medikal o lunas.
Ang aming anak na babae ay humarap sa isang mahalaga at makapagpabagong buhay na operasyon, ngunit hindi ito ang lunas. Hindi nito ganap na maisasa-ayos ang kailangang ayusin. Ito lamang ang pinaka-mabuting magagawa ng siruhanong doktor.
Aking nababatid na ang Diyos ang dakilang manggagamot. At sa mga oras na iyon, ako ay nagbabanggit at nagpapahayag sa kanya ng maraming mga talata sa Banal na Kasulatan tungkol sa kagalingan. Ngunit sa dinami-raming bersikulo na ipinanalangin ko sa kanya, hindi ko kailanman ginamit ang Mga Awit 123. Sa aking palagay, ibinukod ng Diyos ang pahayag na iyon sa akin “sa ganitong pagkakataon” kung kailan ko tunay na kailangan ito.
Maaring ganito basahin ang Mga Awit 123:1, “Ang aking pangmasid doon nakatuon, sa luklukang trono mo, O Panginoon para sa medikal na tulong at sa lunas.”
Ganoon din ang Hebreo 4:16 (RTPV05)
“Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at kalinga (boetheia) sa panahon ng ating pangangailangan.”
Mahinay na ipinaalala ng Diyos sa akin na magmasid sa kaitaasan at panatilihin and aking tingin sa Kanya, Siyang nagtataglay ng medikal na tulog at ng lunas.
Sinumulan kong ipaalala sa aking sariling kung sino ang Diyos. Nagumpisa akong magpahayag ng Kanyang mapagpagaling na kapangyarihan at kakayahan. Siya ay nangusap sa akin na tumingin ng mas mataas sa bundok na aming kinakaharap at pagkatapos, binigyan Niya ako ng isang larawan. Ang pangitain ay napakasimple, subalit lubusang nakakapanatag. Ang larawan ay ang Kanyang kamay na nakapatong sa bundok. Upang maipatong ang Kanyang kamay sa bundok, marapat na Siya ay mas mataas. Ito ay napaka-simple ngunit napakamabisang paalala na Siya ay mas mataas at mas dakila sa anumang bundok na aming kinakaharap.
Jeremias 32:27(RTPV05), “Ako si Yahweh. Ang Diyos ng lahat ng tao. Walang bagay na mahirap para sa akin.”
Kahit anuman ang kalalagayan o pangyayari na iyong dinadanas, ituon ang iyong pangmasid sa Kanya na higit na mas mataas.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang buhay puno ng mga hindi inaasahang lakbayin, mabuti at masama. Habang madalas na madaling makita ang Diyos sa mga mabubuting panahon, lubhang mahirap na panghawakan ang pag-asa sa gitna ng mga trahedya at imposibilidad. Magkaroon ng kapangyarihan na manampalataya sa Kanya na kaya ang imposible. Kapag inasahan mo na masumpong ang Diyos sa oras ng kadiliman, ililigtas Niya ang isang tila walang pag-asang bagay sa pamamagitan ng kahima-himalang kasagutan!
More