Asahan ang DiyosHalimbawa
Isang aspeto ng paniniwalang may pag-asa ay ang pagtuunan ng pansin ang pangako, at hindi ang pangyayari, na mas madaling sabihin kaysa gawin. Makikita natin ang isang magandang halimbawa ng pananampalataya sa buhay ni Abraham, ang ama ng ating pananampalataya. Si Abraham ay pinangakuan ng anak na lalaki at na siya ay magiging ama ng mga bansa. Subalit, ang mga taon ay lumipas at wala pa rin siyang anak at mga bansa.
Kaya anong ginawa ni Abraham? Sinasabi ng Banal na Kasulatan na siya nagpunta mula sa pananampalataya tungo sa pananampalataya, na ibig sabihin ay napabilis ang kanyang pananampalataya at siya ay nagpunta mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian.
Paano natin mapapabilis ang ating pananampalataya? Sinasabi sa Mga Taga-Roma 4:20 na tayo ay napapalakas ng pagbibigay luwalhati. Sabi sa The Amplified Version ng Banal na Kasulatan, “He was strengthened in faith as he gave glory to God.” Nakuha ni Abraham ang pangako na magkakaroon siya ng anak na lalaki at siya ay magiging ama ng mga bansa. Ngunit, lumipas ang mga taon na hindi natutupad ang pangako. Kaya bawat taon, sinasabi ni Abraham, “Kailangan kong magbigay ng luwalhati.” Sa bawat antas ng paghihintay, nagdagdag siya ng pagpapahayag ng kaluwalhatian. Nagpunta siya mula sa kaluwalhatian patungo sa kaluwalhatian at ang pananampalataya niya ay lumakas nang lumakas, hanggang sa mabasa natin sa Mga Hebreo 6:15 (RTPV05) “Matiyagang naghintay si Abraham at natanggap naman niya ang ipinangako sa kanya.”
Anong nangyayari kapag tayo ay nanalig? Ang Diyos ng pag-asa ay magbubuhos sa iyo ng kaligayahan at magpupuno ng kapayapaan. Maaring naghihintay ka pa na magbago ang iyong kalagayan, na maghilom ang isang relasyon, na gumaling ang iyong katawan o ng isang mahal sa buhay. O maaring naghihintay ka ng isang pambihirang tagumpay sa iyong pananalapi o sa trabaho.
Patuloy akong naniniwala sa MALAKING mga himala at madali para sa pagdududa na pumasok at sa pagdadahilan na maging hadlang. Subalit sabi ng Diyos, “Maniwala.” Magsambit ng katotothanan ng Diyos sa anumang sitwasyon na iyong hinaharap. Ako ay nagagalak na ako ay nagsisilbi sa Diyos na hindi lamang naghihikayat sa akin na maniwala, kungdi maniwala ng singlaki ng kabundukan!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang buhay puno ng mga hindi inaasahang lakbayin, mabuti at masama. Habang madalas na madaling makita ang Diyos sa mga mabubuting panahon, lubhang mahirap na panghawakan ang pag-asa sa gitna ng mga trahedya at imposibilidad. Magkaroon ng kapangyarihan na manampalataya sa Kanya na kaya ang imposible. Kapag inasahan mo na masumpong ang Diyos sa oras ng kadiliman, ililigtas Niya ang isang tila walang pag-asang bagay sa pamamagitan ng kahima-himalang kasagutan!
More