Asahan ang DiyosHalimbawa
"Ang kadakilaan niya ay ihayag, at ang ngalan niya'y purihin ng lahat!” Awit 34:3
Ang dakilain ay nangangahulugang palakihin ang isang bagay na higit pa sa laki nito. Ang ibig sabihin din nito ay papurihan or luwalhatiin. Kapag iniisip ko na dakilain ang Panginoon, naiisip ko ang lente. Ginagamit natin ang lente upang makita ng mas malinaw ang isang bagay, upang maaninag ang mga detalye. Ang lente ay hindi nagpapabago sa tunay na imahe bagkus ginagawa lamang itong mas maliwanag para sa atin. Ang “bagay” na iyong tinitignan ay hindi talagang nagbabago ng laki.
Ang nagbabago ay kung paano mo ito nakikita.
Sa Awit 69:30 sabi ni David, “Pupurihin ang Diyos, aking aawitan, dadakilain ko't pasasalamatan.” Ang salitang "dadakilain" ay maaring gamitin sa dalawang magkaibang kahulugan. Maaring ang ibig sabihin nito ay gawing tila mas malaki ang isang bagay higit sa laki nito, o maaari namang palitawin ang isang parang maliit o hamak na bagay na dakila tulad ng kung ano talaga ito.
Halimbawa, ito ang ginagawa ng isang teleskopyo upang tulungan tayong tunghayan ang kamangha-manghang sansinukob. Ang teleskopyo ay isang instrumentong pangmata na ginagamit upang gawin ang mga malalayong bagay na parang mas malaki at sa gayong paraan mas malapit. Kapag ikaw ay tumatanaw sa buwan mula sa daigdig, mukha lamang itong bilog sa kalangitan. Ngunit kung ikaw ay sisilip sa telekopyo, matutunghayan mo ang mga detalye at makikita mo kung gaano talaga ito kalaki. Ang laki ng buwan ay hindi nagbago, subalit ang paraan ng ating pagtingin ay nag-iba.
Noong sinabi ni David na, "Pupurihin ang Diyos, aking aawitan, dadakilain ko't pasasalamatan," hindi niya sinabi na: "Gagawin ko na ang isang maliit na Diyos ay tila mas malaki. Ang ibig niyang sabihin ay: Gagawin ko ang dakilang Diyos na maging kasing laki ng kung ano talaga Siya. Walang anuman at sinuman ang mas nakatataas pa sa Diyos. At ang panawagan sa lahat ng nagmamahal sa Diyos ay gawin ang Kanyang kadakilaan na maging kasing dakila ng kung ano talaga ito.
Kung ano ang iyong dinadakila, ay siyang nagpapalibot sa iyo. Ano ang iyong dinadakila ngayon? Dakilain ang Panginoon sa kung anuman ang mangyari, sa ligaya at sa pighati. Sa halip na maging kuyapos sa buhay at sa mga suliranin nito, hayaan ang Diyos na lipusin ka ng Kanyang presensiya at pananaw.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang buhay puno ng mga hindi inaasahang lakbayin, mabuti at masama. Habang madalas na madaling makita ang Diyos sa mga mabubuting panahon, lubhang mahirap na panghawakan ang pag-asa sa gitna ng mga trahedya at imposibilidad. Magkaroon ng kapangyarihan na manampalataya sa Kanya na kaya ang imposible. Kapag inasahan mo na masumpong ang Diyos sa oras ng kadiliman, ililigtas Niya ang isang tila walang pag-asang bagay sa pamamagitan ng kahima-himalang kasagutan!
More