Asahan ang DiyosHalimbawa
Ako ay nanaginip at doon si Jesus ay umaawit, “Halika at sumayaw kasama ko.” Ako ay sumagot at simpleng nagsabi, “Sasayaw ako kasama Ka, Panginoon, ngunit hindi ko alam kung ano ang Inyong ibig sabihin.” Noong ako ay nagising, ang himig at titik ay nanatili pa rin sa aking pandinig.
Pinagbulay-bulayan ko ang panaginip at naghagilap sa Banal na Kasulatan ng patungkol sa pagsasayaw. Napakaraming kasulatan ang tumutukoy sa sayaw na pagtatagumpay at pandirigma, ngunit ang himig na inawit Niya sa akin ay iba. Ito ay nag-aanyaya sa akin sa isang may awtoridad subalit mapagmahal na paraan.
Ang Diyos na Ama ay nagpasagi sa aking isipan ng isang larawan na kung papaano ang isang batang babae ay umaapak sa paa ng kanyang ama habang siya ay sinasayaw nito. Naniniwala ako na iyon ang gustong sabihin ng Diyos sa akin. Hindi ko kailangang malaman ang mga hakbang ng sayaw kung ako ay nakatayo sa Kanyang mga paa. Dapat lamang na ako ay magkusang sumayaw na kasama Siya, na manalig sa Kanya, na hayaan Siyang mamuno.
Kung kaya't ako ay umapak sa mga paang may pilat ng bakas ng pako at hinayaang magsimula ang sayaw. Sa bawat hakbang ay nagkakamit ako ng mas maraming kalayaan, mas malaking pag-ibig, at mas malalim na tiwala. Ang sayaw ng aking buhay ay nagiging ganap sa pagtayo sa mga paa ng aking Hari, sa pagtuto ng ritmo, at pagdinig sa mga awit na kinakanta Niya sa aking buhay.
Hindi mahalaga kung nasaan tayo sa ating mga buhay, kung anong mga hakbang ang ating nakalimutan, o marahil hindi natin kailanman nalaman. Ang sayaw ay maaring magsimula ngayon. Maari mong marinig ang awit ng Langit para sa iyong buhay. Ang Diyos ay naghihintay na sumayaw kasama mo. Paunti-unting hakbang, tuturuan ka Niyang magtiwala, tuturuan ka Niyang hayaang Siya ang mamuno, at tuturuan ka Niyang dinggin ang tibok ng Langit at sumayaw sa saliw nito.
“Halika at sumayaw kasama Ko
Tumayo ka sa aking mga paa, Hayaan mo akong mamuno
Sa bawat hakbang, sa bawat kumpas
Patungo sa iyong tadhana, sumayaw kasama Ko.”
Tinatawag ako ng Diyos na magtungo mula sa paniniwala patungo sa buong pagtitiwala sa Kanya. Ang mga salitang isinalin bilang “tiwala” sa Bibiblia ay nangangahulugang “isang mapangahas, matapang, may kasiguraduhang kapanatagan o isang pagkilos ayon sa kapanatagang iyon.” Ang pagtitiwala ay hindi katumbas ng pagkakaroon ng pananampalataya o paniniwala. Bagkus, ang pagtitiwala ay isang bagay na ating ginagawa dahil sa ating pananampalataya. Ang pagtitiwala ay paniniwala sa mga pangako ng Diyos sa lahat ng pagkakataon, lalong-lalo na kapag sumasalungkat ang ebidensiya.
Magtiwala sa Kanya na sumulat ng magandang istorya para sa iyong buhay at mayroong mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti, at mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang buhay puno ng mga hindi inaasahang lakbayin, mabuti at masama. Habang madalas na madaling makita ang Diyos sa mga mabubuting panahon, lubhang mahirap na panghawakan ang pag-asa sa gitna ng mga trahedya at imposibilidad. Magkaroon ng kapangyarihan na manampalataya sa Kanya na kaya ang imposible. Kapag inasahan mo na masumpong ang Diyos sa oras ng kadiliman, ililigtas Niya ang isang tila walang pag-asang bagay sa pamamagitan ng kahima-himalang kasagutan!
More