Tungkol Saan ang Pasko ng Pagkabuhay?Halimbawa
…Ngunit Hindi Natin Nakuha ang Tagapagligtas na Ating Inaasahan
Ipinapahayag ng mga propeta sa mga bayan ng Diyos na ang tagapagligtas ay parating. Hindi lang si Isaias. Maraming iba pang mga propeta na ang mga salita ay nasulat sa Lumang Tipan ng Biblia. Sinabi nila sa mga tao na parating na ang tagapagligtas. Kung saan Siya isisilang. Kung paano Siya mabubuhay, mamamatay, at maging kung paano Siyang mabuhay na muli!
Narinig ng mga tao ang mga detalyeng nabasa mo sa aklat ng Isaias kahapon, tulad ng kung paanong ang tagapagligtas ay mapupuno ang pagdadalamhati at pagdurusa. Gayunpaman, ang mga tao ay mas nakatuon ang pag-iisip sa kung anong magiging katulad ng tagapagligtas. Ano ang madalas mong naiisip kapag naririnig mo ang "tagapagligtas ng mundo"? Marahil ay naiisip mo din kung ano ang inaasahan ng bawat isa! Panoorin ang video upang makita pa kung ano ang hinahanap ng mga tao.
Diba? Kahit na ipinahayag na si Jesus ang ipapanganak sa isang maliit na bayan sa Judea, iniisip pa din ng mga tao na wala wala talagang mabuting bagay na magmumula doon. Nais ng Diyos na sorpresahin tayo! Nais niyang ipakita sa atin kung ano ang kaya Niyang gawin sa maliit na simula at sa masunuring puso.
Ngayon, mababasa mo kung paano ipinanganak si Jesus sa sabsaban kasama ang mga hayop sa kamalig. Makikita mo kung paano Niya ipinahayag ang Kanyang sariling kamatayan. At mababasa mo kung paano rin Niya ipinahayag maging ang Kanyang pagkabuhay na muli.
Tinawag ni Jesus ang Kanyang sarili na Anak ng Tao at sinabi Niya din na ang Diyos ang Kanyang Ama. Nakita ng Kanyang mga tagasunod ang mga himalang ginawa Niya. Kahit na hindi Siya marangya, Siya ay totoo. Alam Niya at naunawaan Niya ang mga tao nang mas mabuti kaysa sa sinumang kanilang nakita. Siya ay puno ng katotohanan, ngunit puno din ng biyaya. Marami sa Kanyang mga tagasunod ang hindi mapigilang makita na ang Kanyang mga himala ay kahanga-hanga, ngunit marami pa din ang hindi sigurado kung si Jesus nga ba ang sinasabi Niyang Siya. At pagkatapos, noong araw ng Biyernes, nakita nila kung paano Siya naghirap at namatay sa krus habang kinukutya ng mga tao. Patay. Nawala. Ayun na ba iyon? Tutugisin din ba sila ng mga namumuno at papataying katulad ng ginawa nila kay Jesus? Natakot sila. Nagsama-sama sa likod ng mga nakakandadong pinto, sinusubukang maging ligtas.
Binuhay ba nila ang pag-asang siguro, siguro nga, ang Linggo ng Pagkabuhay ay talagang darating? Na si Jesus ay mabubuhay na muli? Na ang mundo ay magbabago na magpakailanman?
Tanungin mo ang iyong sarili:Ano ang kailangang gawing ng isang tao para makumbinsi kang sila ang Anak ng Diyos? Kung buhay noong panahon ni Jesus, ano ang kailangang mong makita upang malaman na si Jesus talaga ang sinasabi Niyang Siya?
Manalangin: Jesus, maraming salamat po dahil Ikaw ay mabuti, magiliw at mapagpakumbaba. Ikaw ang tagapagligtas na talagang kailangan ng mundong ito. Salamat po sa pagbabayad ng kasalanan ng bawat isa, kahit na ito ay napakasakit at naging kapalit pa ang Iyong buhay. Salamat po sa labis na pagmamahal sa akin. Tulungan Mo po akong mahalin Ka din. Sa pangalan ni Jesus, amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Minsan, may isang taong hinulaan ang Kanyang sariling kamatayan. Hinulaan din Niya na mamamatay Siya ng tatlong araw lamang. At tama Siya! Ang pagkamatay ni Jesus at ang Kanyang muling pagkabuhay ay ang mga kamangha-manghang katotohanan sa kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay. Ipinagdiriwang pa rin ng mga Cristiano ang araw na ito. Pero ano ang ibig sabihin sa iyo ng lahat ng ito? Ang Gabay sa Bibliang ito ay tutulungan kang maunawaan ang mga hiwaga at kagandahan ng Pasko ng Pagkabuhay!
More