Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol Saan ang Pasko ng Pagkabuhay?Halimbawa

What Is Easter All About?

ARAW 5 NG 6

Ang Biyaya ang Nagligtas sa Mundo!

Natapos ang araw kahapon na puno ng kalungkutan. Si Jesus, ang magiliw na manggagamot, ay brutal na pinatay. Ang nag-iisang perpekto ay namatay. 

Ang mga tagasunod ni Jesus ay naiwang natatakot. Babalik ba kaya Siya gaya ng sinabi Niya? Marahil ay peke itong lahat. Marahil ay hindi ito mangyayari. Marahil ay naloko silang lahat. 

Natatandaan mo ang dalawang video na nakita mo sa Gabay sa Biblia na ito mula kay Jason? At ang maliliit na uod? Panoorin ang huling video ni Jason para makita mo kung ano ang ibig sabihin ng Linggo ng Pagkabuhay sa kanya—at kung ano ang ibig sabihin nito para sa iyo! 

Dumating ang Linggo ng Pagkabuhay! Hindi na patay si Jesus! Siya ay buhay magpakailanman! Binayaran Niya ang kabayaran ng ating kasalanan sa wakas. Ang kailangan lang natin gawin ay maniwala sa ating mga puso na binuhay na muli ng Diyos si Jesus mula sa kamatayan, at tanggapin ang libreng regalo ng biyaya para sa ating mga kasalanan. Ginawa ng Diyos ang Kanyang plano mula pa noong simula: Gumawa Siya ng paraan para tayo ay makabalik sa Kanya! 

Kamangha-mangha ang lahat. Ang mga tagasunod ni Jesus, mula sa mga taong nagsama-sama sa takot at bagbag ang mga puso ay naging mga taong namangha at napuno ng kagalakan na makita na lahat ng kanilang paniniwala kay Jesus ay totoo. Ibinigay nila ang kanilang buhay upang ipahayag ang magandang balita na tinalo na ni Jesus ang kamatayan sa wakas para sa ating lahat! 

Nakipagsapalaran sila kahit sa panganib na sila ay makulong para ipahayag ang balitang ito. Sa katunayan, karamihan sa kanila ay pinatay dahil ayaw nilang huminto sa pagpapahayag nila sa lahat at saanman tungkol kay Jesus. Sinubukan ng mga pinuno ng panahong iyon na patahimikin ang kuwentong ito dahil sa inggit at takot na ang mga tao ay magsisimula ng gulo o susunod kay Jesus sa halip na sa kanila. Gayunpaman, kumalat pa rin ang kuwento ng pag-ibig ng Diyos at ang himala ng pakikipag-ugnayan Niya muli sa sangkatauhan. Lumaganap pa ito lalo. Hindi nila ito maihinto! Umabot ang kuwentong ito sa iyo na nagbabasa ng gabay na ito! Ang kuwento ng pag-ibig ng Diyos sa mundo ay hindi mapipigilan! 

Ang mga tagasunod ni Jesus ay napuno ng takot at kalungkutan noong Biyernes at Sabado pagkatapos ng pagkamatay ni Jesus. Ngunit binago itong lahat ng Linggo ng Pagkabuhay! Binago nito ang lahat para sa buong sangkatauhan sa lahat ng panahon! Siya ay nabuhay muli! 

Tanungin ang iyong sarili: Karamihan sa mga tagasunod ni Jesus ay mga karaniwang tao: mga mangingisda, mga magsasaka, at iba pa. Ano sa isip mo ang nagbigay sa kanila ng lakas ng loob na ipahayag sa lahat ang magandang balita ng biyaya ni Jesus? 

Manalangin: Panginoon, salamat sa iyong regalo ng buhay na walang hanggan kasama Ka sa pamamagitan ng biyaya ni Jesus! Ito ang pinakamagandang balita kailanman. Tulungan mo akong tandaan na Ikaw ay malalapitan ko kaagad sa pamamagitan ng panalangin. Hindi ko kailangan maging perpekto para maging malapit sa Iyo. Ang biyaya ni Jesus ay nasa akin. Salamat! Sa ngalan ni Jesus, amen. 

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

What Is Easter All About?

Minsan, may isang taong hinulaan ang Kanyang sariling kamatayan. Hinulaan din Niya na mamamatay Siya ng tatlong araw lamang. At tama Siya! Ang pagkamatay ni Jesus at ang Kanyang muling pagkabuhay ay ang mga kamangha-manghang katotohanan sa kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay. Ipinagdiriwang pa rin ng mga Cristiano ang araw na ito. Pero ano ang ibig sabihin sa iyo ng lahat ng ito? Ang Gabay sa Bibliang ito ay tutulungan kang maunawaan ang mga hiwaga at kagandahan ng Pasko ng Pagkabuhay!

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/