Tungkol Saan ang Pasko ng Pagkabuhay?Halimbawa
Nagsimula Ang Lahat Ng Ito Noong …
Alam mo ba na ang lahat ng mga dalubhasa sa Buhay Cristiano (at kahit na ang mga dalubhasa sa labas ng Buhay Cristiano) ay sumasang-ayon na ang Pasko ng Pagkabuhay ang nag-iisang pinaka-importanteng araw sa mga Cristiano? Totoo! Alam mo ba kung bakit?
Para malaman mo kung bakit napakahalaga nito, dapat na higit mo pang malaman ang tungkol dito. Panoorin mo ang video na ito ng The Loop Show, Jason. Dadalhin ka niya pabalik sa pinakasimula ng kuwento.
“May ibang mga plano ang Diyos!” Ano ang mga ito? Kailangan mong magpatuloy sa pagbabasa para matuklasan mo. Muling babalik si Jason para magkuwento sa iyo ng ilan pang bagay tungkol sa Pasko ng Pagkabuhay—at mga karagdagan pa sa kanyang sariling kuwento. Sa susunod na limang araw, matututunan mo kung tungkol saan ang Pasko ng Pagkabuhay. Malalaman mo kung ano ang ibig sabihin nito para sa iyo. At matututunan mo kung ano ang puwede mong gawin para makasama sa kamangha-manghang kuwento ng Diyos!
Para sa araw na ito, tandaan mo ang unang bahagi ng sinabi ni Jason. Sinabi niya:
Sa pinakasimula, ang Diyos ay kasama sa isang kamangha-manghang komunidad ng Kanyang sarili, binubuo ng Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Mahirap isipin, pero alam natin na napakabuti nito—napakabuti kung kaya ginusto Niyang ibahagi ang komunidad na ito sa nilikha na maaaring piliin na mahalin Siya at manahang kasama Niya kung gugustuhin nila. Kaya nilikha niya ang mga tao!
Tanungin mo ang iyong sarili: Ano ang mga katanungan ko tungkol sa Pasko ng Pagkabuhay? Pagkatapos kong basahin ang Gabay sa Biblia na ito, maaaring may mga katanungan pa ako tungkol sa Pasko ng Pagkabuhay. Sino ang maari kong tanungin kung may mga katanungan pa ako pagkatapos nito? Sino ang maaari kong imbitahan na basahin ang Gabay sa Biblia na ito kasabay ko?
Manalangin: Diyos, salamat sa paraan kung paano Mo kami iniibig. Salamat sa Iyong paglikha ng magandang mundo. Salamat sa mga kahanga-hangang tao na inilagay Mo sa buhay ko. Tulungan Mo kaming ingatan nang mabuti ang isa't-isa. Tulungan Mo kaming mahalin ang iba kung paano Mo kami minamahal. Sa pangalan ni Jesus, amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Minsan, may isang taong hinulaan ang Kanyang sariling kamatayan. Hinulaan din Niya na mamamatay Siya ng tatlong araw lamang. At tama Siya! Ang pagkamatay ni Jesus at ang Kanyang muling pagkabuhay ay ang mga kamangha-manghang katotohanan sa kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay. Ipinagdiriwang pa rin ng mga Cristiano ang araw na ito. Pero ano ang ibig sabihin sa iyo ng lahat ng ito? Ang Gabay sa Bibliang ito ay tutulungan kang maunawaan ang mga hiwaga at kagandahan ng Pasko ng Pagkabuhay!
More