Tungkol Saan ang Pasko ng Pagkabuhay?Halimbawa
Nangailangan Tayo ng Tagapagligtas …
Lumalala ang mga bagay. Subalit patuloy na inialay ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa mundong ito. Hindi Siya sumuko sa atin. Alam Niya na matatagalan bago natin maunawaan at sundan ang landas ng pagmamahal na iniuukit Niya sa buong kasaysayan para dalhin tayo pabalik sa Kanya.
Sinalansang ng kasalanan ang mundong nilikha ng Diyos. Sinalansang nito ang mga puso ng mga lalaki at babae sa lahat ng dako. Pag-aaway, pagkamuhi, inggit, pagsisinungaling, pandaraya, pagnanakaw, at marami pang ibang kasalanan ang nagpatong-patong, na nagpataas ng nagpataas sa presyo ng kasalanan.
Subalit may plano ang Diyos. Panoorin ang video na ito para makita kung ano ang plano ng Diyos para sa mundo. Pahiwatig: Pinagsasama-sama Niya ang isang napakalaking premyo—para sa'yo!
Narinig mo ba ang bahagi ng video na nagsabi, “Mahal ang kasalanan”? Ano ang ibig sabihin nito?
Sa katunayan, ilang libong taon na ang nakakaraan, masyadong mahal ito para sa pamilya dahil hiniling ng Diyos ang mga tao na magsakripisyo ng malusog at malakas na hayop bilang alay para sa kanilang mga kasalanan. Isa itong paraan para kunin ang atensyon ng mga tao. Kailangan nilang gumastos dito. At siguro alam ng Diyos na nakatulong ito para sila ay tumigil, magdahan-dahan, at isaalang-alang ang epekto ng kanilang mga kasalanan sa kanilang kapaligiran. Ang kasalanan ay nagdulot ng kamatayan, at ang kasalanan ay may kabayaran na kamatayan.
Pero hindi nagtagal ang sakripisyo. At patuloy ang pagdating ng mga kasalanan. Isa lamang ang paraan para bayaran ang halaga ng kasalanan na pagbabayaran ng magandang nilikha ng Diyos, at hindi ito kayang bayaran ng tao. Hindi maaaring maging perpekto ang tao. Ang Diyos lamang ang perpekto. Kung kaya ang Diyos lamang ang maaring magbayad sa kasalanan ng mundo. At sinimulan Niyang ipaalam na gagawin Niya ito. Magpapadala Siya ng Tagapagligtas. Siya na magbabayad sa kasalanan sa isa at kahuli-hulihang pagkakataon para sa lahat.
Ngayon, mababasa mo ang ilang mga propesiya sa aklat ni Isaias, isinulat mga 700 taon bago ipanganak si Jesus. Sinabi nito ang istorya ng isang tao na hinamak at tinanggihan, pinagmalupitan, pinatay, at inilagak sa libingan ng isang mayamang lalaki. Pero sinabi rin nito na Siya ang magdadanas ng kaparusahan sa kasalanan! Hulaan mo kung sino ang pinag-uusapang ito? Siya ang tagapagligtas ng mundo! Si Jesus!
Kakaibang basahin ito dahil marami sa mga ito ay nasa nakaraang panahon, subalit sa katunayan ito ay tungkol sa mga bagay na hindi pa nangyayari. Ito ay dahil ang sinaunang Hebreo na ginamit sa pagsulat sa Banal na Kasulatan, ay walang paraan para magkuwento sa panghinaharap. Hindi ito isang wika na may totoong panahunan tulad ng sa Ingles. Ang taludtod na mababasa mo sa araw na ito ay isinulat sa madalas na tinatawag ngayon na “propesiyang panahunan.” Kadalasang ginagamit ito para ilarawan ang isang bagay na siguradong mangyayari, na tila ito ay nangyari na. Alam ng mga taong bumabasa nang isulat ito na hindi pa ito nangyayari base sa konteksto. Alam nila na tumutukoy ito sa darating na tagapagligtas dahil wala man lang tagapagligtas noon na nagdala ng kasalanan ng tao ng Diyos nang isulat ang sipi na ito. Magandang balita ito. Pero mahabang panahon pa bago dumating dito ang tagapagligtas na ito.
Hindi pa Pasko ng Pagkabuhay, pero nagsisimula na tayong makarinig ng tungkol sa pagdating nito!
Tanungin mo ang iyong sarili: Bakit minsan mahirap para sa mga tao na maniwala na ang biyaya ng Diyos ay libre? Kung dumating ang pagkakataon ko para patawarin ang isang tao, madali ba ito o gusto kong masaktan muna sila bago ko sila patawarin?
Manalangin: O Diyos, salamat na minamahal Mo kami nang sapat para pagbayaran ang aming mga kasalanan. Hindi namin kailanman kayang bayaran ang halaga ng aming mga kasalanan. Salamat sa pagiging mapagbigay sa amin. Tunay na kamangha-mangha ang Iyong biyaya. Sa pangalan ni Jesus, amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Minsan, may isang taong hinulaan ang Kanyang sariling kamatayan. Hinulaan din Niya na mamamatay Siya ng tatlong araw lamang. At tama Siya! Ang pagkamatay ni Jesus at ang Kanyang muling pagkabuhay ay ang mga kamangha-manghang katotohanan sa kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay. Ipinagdiriwang pa rin ng mga Cristiano ang araw na ito. Pero ano ang ibig sabihin sa iyo ng lahat ng ito? Ang Gabay sa Bibliang ito ay tutulungan kang maunawaan ang mga hiwaga at kagandahan ng Pasko ng Pagkabuhay!
More