Tungkol Saan ang Pasko ng Pagkabuhay?Halimbawa
Ang Biyaya ay para sa Lahat!
Isang lalaki ang hinula ng mga propeta nang ilang daang taon. Ang kanyang kapanganakan. Kung ano ang magiging buhay Niya. Kung paano Siya mamamatay. At pinakaimportante sa lahat, kung paano Siya mabubuhay muli pagkatapos ng tatlong araw. At nangyari itong lahat!
Alam mo, kung hindi kailanman tinupad ang mga propesiyang ito, walang may pakialam. Kung hindi Siya namatay at muling nabuhay? Iisipin lang ng mga tao na Siya ay isang malaking sinungaling o may sakit sa pag-iisip. Walang makakaalala sa Kanya.
Ngunit dumating si Jesus sa paraan na gaya ng sinabi. Ginawa Niya ang sinabi Niyang gagawin Niya. Siya ay namatay. Nakita ng Kanyang mga tagasunod ang lahat ng mga ito. Sila ay natakot.
At nakita rin ng Kanyang mga tagasunod na muli Siyang nabuhay! At sila ay napuno ng lakas ng loob! Ang muling pagkabuhay ni Jesus, kinikilala na resureksyon, ang dahilan kung bakit ang Pasko ng Pagkabuhay ay mahalaga, hindi makakalimutan at nakakapagbago ng mundo.
Gayunman, angbiyaya at kapatawaran ni Jesus ang nakakapagbagong-buhay!
Si Jesus ay puno ng pagmamahal sa bawat tao. Gusto Niyang tanggapin natin ang tanda ng Kanyang biyaya para sa mundo at palakasin ito! Kinakailangan ito ng mundo. Kailangang malaman ng lahat na mayroong Diyos. Ginawa Niya tayo. Nagmamalasakit Siya para sa atin. At nais Niyang makipag-ugnayan sa atin kung tayo ay makikipag-ugnayan din sa Kanya.
Gaya ng sinabi ni Jason kahapon, hindi perpekto ang mundo. Ito ay puno ng pagkasira at sakit. Ngunit kasama tayo ng Diyos sa lahat ng ito. At darating ang araw, gagawin Niyang tama ang lahat ulit, tulad ng dati noong orihinal Niyang nilikha ito! Magkakaroon ng bagong mundo. At tayo ay mamumuhay kasama ang Diyos hanggang sa walang hanggan, na walang sakit at mga luha. Isang napakagandang balita!
Panoorin ang video na ito, at tanggapin ito bilang isang imbitasyon sa pagsali sa kuwento ng pag-ibig ng Diyos sa mundo sa pamamagitan ng pagpapalakas ng Kanyang biyaya saan ka man magpunta sa buong buhay mo! Narito na ang Pasko ng Pagkabuhay, at narito na ito magpakailanman!
Tanungin mo ang iyong sarili: Paano ko mapapalakas ang biyaya ng Diyos? Sinong kilala ko na mapapakitaan ko ng kabaitan at pagmamahal ng Diyos? Paano ko maipapahayag ang magandang balita ng pagmamahal ni Jesus sa lahat ng makikilala ko?
Manalangin: Panginoon, salamat sa Pasko ng Pagkabuhay! Buhay si Jesus! Ako ay kasali sa Iyong kuwento ng pag-ibig at kapatawaran. Tulungan Mo akong ipahayag ang Iyong ibyaya, pagmamahal, at kapatawaran sa bawat araw na lumilipas. Sa pangalan ni Jesus, amen.
Bago ka umalis, tingnan ang iba pang mga magagandang videos galing sa Loop Show!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Minsan, may isang taong hinulaan ang Kanyang sariling kamatayan. Hinulaan din Niya na mamamatay Siya ng tatlong araw lamang. At tama Siya! Ang pagkamatay ni Jesus at ang Kanyang muling pagkabuhay ay ang mga kamangha-manghang katotohanan sa kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay. Ipinagdiriwang pa rin ng mga Cristiano ang araw na ito. Pero ano ang ibig sabihin sa iyo ng lahat ng ito? Ang Gabay sa Bibliang ito ay tutulungan kang maunawaan ang mga hiwaga at kagandahan ng Pasko ng Pagkabuhay!
More