Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 18:31-34

Lucas 18:31-34 RTPV05

Ibinukod ni Jesus ang Labindalawa at sinabi sa kanila, “Pupunta tayo sa Jerusalem at doo'y matutupad ang lahat ng isinulat ng mga propeta tungkol sa Anak ng Tao. Siya'y ibibigay sa kamay ng mga Hentil; kukutyain, hahamakin, at duduraan. Siya'y hahagupitin at papatayin, ngunit sa ikatlong araw ay muli siyang mabubuhay.” Subalit ang Labindalawa ay walang naunawaan sa kanilang narinig; hindi nila makuha ang kahulugan niyon, at hindi rin nila naintindihan ang sinasabi ni Jesus.