Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtatagumpay Laban sa Pagkabalisa Halimbawa

Victory Over Anxiety

ARAW 3 NG 12

Ang Pinagmumulan ng Ating Pagkabalisa

Anong pinagmumulan ng pagkabalisa? Ito ba ay isang bagay na nililikha natin sa ating kaibuturan? O ito ba ay nagmumula sa Diyos? 

Mahalagang maunawaan na ang pagkabalisa ay hindi mula sa Diyos … Hindi Siya ang lumikha nito (2 Tim. 1:7). Kung hindi ang Diyos ang lumikha ng pagkabalisa, saan ito nanggagaling? 

Una sa lahat, may mga di-mabilang na mga bagay sa buhay na maaaring dahilan ng pagkabalisa. May mga nakakabagabag na bagay sa buhay na likas na lumilikha ng pagkabalisa. Ang paghihintay ng resulta ng mga pagsusuri mula sa iyong doktor, pagkasisante sa trabaho at kawalan ng pagkakakitaan, o ang pakikipaghiwalay ng iyong asawa (ito ay ilan lamang) ay pawang mga lehitimong dahilan upang makaramdam ng pagkabagabag.

Ikalawa, may mga panahong ang pagkabalisa ay nagmumula sa mga maling pag-iisip, hindi pagtitiwala sa Diyos at sa Kanyang Salita, at ang hindi pagbihag ng isipan sa pagsunod kay Cristo (2 Mga Taga-Corinto 10:5). 

Ikatlo, may mga panahong ang pagkabalisa ay nagmumula sa isang bagay na ni hindi natin napagtanto. Tama 'yan: Maaari tayong mabalisa tungkol sa isang bagay at ni hindi natin alam kung ano iyon. May mga naging panahon sa buhay ko na alam kong nangungusap nang direkta sa akin ang Diyos at may gusto Siyang ipakita sa akin, ngunit hindi ko agad maunawaan kung anong ipinapahayag Niya sa akin. Para bang habang lalo akong nagsusumikap na maunawaan ang Kanyang kalooban, lalo ko naman itong hindi maunawaan. Kaya't sa sandaling panahon, magiging balisa ako, at magtatanong: "Panginoon, anong nais Mong sabihin sa akin? Anong gusto Mong ipakita sa akin?" Ayokong magmintis sa Kanyang kalooban. At dahil ako ay walang katiyakan habang hinihintay ang Kanyang paggabay, nakipaglaban ako sa kaparehong mga nakababalisang pag-iisip na tulad ng kinaharap mo sa iyong kawalang-katiyakan. 

Ngunit hindi ko hinayaang mamahay sa buhay ko ang pagkabalisang iyan. At dapat ay ganoon ka rin .

Anuman ang pinanggagalingan ng iyong pagkabalisa, ang pinakamahalaga ay harapin mo ito. Bagama't ang pagkabalisa ay hindi kasalanan, hindi ito dapat magtagal. Hindi ito nararapat na magkaroon ng negatibong epekto. Dapat ay maging handa tayong harapin at ayusin ang ating mga nakakabalisang pag-iisip at damdamin. Ang pagkabalisa ay reaksyon lamang sa mga pangyayari sa iyong buhay. At kapag ipinahayag na sa iyo ng Diyos ang katotohanan tungkol sa pangyayari o sitwasyong iyon, dapat na iyon ang iyong unahin. Kapag may nakikita ang Diyos na nangyayari sa iyong buhay na nangangailangan ng pagtuturo o pagtatama, kailangang ibigay mo sa Kanya ang iyong buong atensyon. Kung hindi, makakasigurado ka ng isang buhay na puno ng pagkabalisa at pagdududa.

May napakaraming pinagmumulan ng pagkabalisa—anumang bagay ay maaaring maging sanhi nito. Bagaman at ang damdaming ito ay hindi naman kasalanan, ang hindi mo pag-aayos nito sa mabuting paraan ay kasalanan. At bukas, titingnan natin ang ilang mahahalagang dahilan kung bakit kailangan nating ayusin ang ating pagkabalisa sa simula pa lamang at gawin natin ang lahat upang ito ay maiwasan.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Victory Over Anxiety

Ang pagkabalisa ay isang karaniwang tugon sa mga walang-katiyakang bagay na kinakaharap natin sa buhay. Ngunit kung anong ginagawa natin sa ating pagkabalisa—at kung gaano katagal nating hinahayaan itong manatili sa atin— ay siyang susi. Samahan si Dr. Charles Stanley habang binibigyang-liwanag niya ang nakasisirang damdaming ito, at ipinapakita sa iyo kung paano ito mapangingibabawan, at saka tutulungan kang makita ang solusyon ng Diyos para sa pagkabalisa, upang akayin kang tamasahin ang isang matagumpay at puno ng pananampalatayang buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://intouch.cc/yv-victory-over-anxiety