Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtatagumpay Laban sa Pagkabalisa Halimbawa

Victory Over Anxiety

ARAW 4 NG 12

Mga Dahilan Kung Bakit Dapat Iwasan ang Kabalisahan

Maraming dahilan kung bakit dapat na iwasan ang kabalisahan. 

Una, ang kabalisahan ay hindi naaayon sa Banal na Kasulatan. Sa Mateo 6:25-34, sinabi ni Jesus ng tatlong beses ang taludtod na ito, "Huwag kayong mabalisa, huwag kayong mabalisa, huwag kayong mabalisa." Para sa ating mga mananampalataya, pinagtitibay natin na naniniwala tayo sa Diyos at sa Kanyang Anak, si Jesus; na minamahal Niya tayo nang walang pasubali at may mga pangakong tutugunan ang ating mga pangangailangan; at Siya ay Diyos na tumutupad sa Kanyang Salita. Kaya't kung ang lahat ng ito ay totoo, ang pamumuhay na puno ng kabalisahan ay hindi nababagay sa kung sino tayo bilang anak ng Diyos. At kailangang harapin natin ang pagkabalisa sapagkat ito ay magbubunga ng lahat ng uri ng kawalang pag-asa at pagkatalo sa ating buhay.

Ikalawa, ang kabalisahan ay magkakaroon ng negatibong epekto sa lahat ng dako ng ating buhay. May hindi mabilang na paraan kung saan ang kabalisahan ay nagkakaroon ng negatibong epekto sa ating buhay. Kapag naunawaan mo ito ay mas madali mong mauunawan ang mga nakakabigat sa buhay mo at maaari kang makatulong sa ibang mapagtagumpayan ito. 

  • Ang pagkabalisa ay naghahati-hati sa iyong isipan. Ang pagkabalisa ay isang pampaabala. Ang layunin nito ay hilahin ka sa iba't-ibang direksyon kaya hindi ka makatutok o makatuon sa isang bagay. At anumang naghahati sa iyong isipan ay naglilihis sa iyong atensyon mula sa mga mahahalagang bagay at pinalalabo nito ang iyong pagtutuon.
  • Pinapabagal ng pagkabalisa ang iyong paggawa. Anuman ang iyong ginagawa, kung ikaw ay nababalisa tungkol dito, babagal ka. Kung ang iyong isipan ay nahahati at masyadong abala, hindi mo maibibigay ang buong atensyon at lakas mo sa bagay na dapat mong pinagtutuunan.
  • Ang pagkabalisa ay nakakaapekto sa iyong personal na kaugnayan sa ibang tao. Batid natin ang mga taong lubos na nababalisa. Tuwing makikita natin ang mga taong ito, inilalabas nila ang mga bagay na nakakapagpabalisa sa kanila, ngunit hindi nila hinaharap ang mga ito. Ang patuloy na pagkabalisa nila ay nakakaapekto sa relasyon nila sa mga taong nakapalibot sa kanila—kasama ka na doon. 
  • Ang pagkabalisa ay nauuwi sa mga maling desisyon. Kapag ang isang tao ay nababalisa, may gawi siyang magpatiuna sa paggawa: "Kung hindi ko ito gagawin ngayon, baka mahuli ako;" "Kung hindi ko siya pakakasalan ngayon, baka hindi na ito matuloy." Gumagawa ng hindi matatalinong desisyon ang mga tao dahil nababalisa sila sa hinaharap na walang katiyakan at sa mga pagkakataong baka mapalampas at hindi na uli bumalik. At laging may mga kapinsalaang maaaring mangyari sa pamumuhay sa ganitong paraan.
  • Ninanakaw ng kabalisahan ang iyong kapayapaan at kagalakan. Hindi ka maaaring magkaroon ng kagalakan at maging puno ng pagkabalisa. Hindi ka maaaring magkaroon ng kapayapaan at maging puno ng pagkabalisa. Ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng kapayapaan ay "magkabuklod," samantalang ang kabalisahan ay "paghiwalayin." Kaya maaaring isa lamang dito ang mapasaiyo—ngunit hindi mo maaaring maranasan pareho.
  • Ang kabalisahan ay isang napakalaking aksaya ng oras at lakas. Kapag ikaw ay bigo, nababalisa, at nag-aalinlangan sa mga bagay-bagay, hindi ka makakagawa nang maayos. Hindi mo mararamdamang nasa pinakaayos na kalagayan ka. At ito ay magdudulot ng mga epektong tunay na hindi mo gugustuhin sa buhay mo.

Hindi nais ng Diyos na mabuhay tayong puno ng kabalisahan. Kapag iniisip ko lahat ng bagay na nabanggit ko rito, hindi ko maisip na mamuhay sa ganoong paraan. Hinahati ng kabalisahan ang iyong isip, inililihis ang iyong pansin, pinababagal ang iyong paggawa, naaapektuhan ang iyong personal na pakikipag-ugnayan, nagdudulot ng mga maling desisyon, ninanakaw ang iyong kagalakan at kapayapaan, at naaaksaya ang iyong oras at lakas. Kaibigan, anumang bagay na iyan ang ginagawa sa akin, ayoko sa buhay ko. 

At ipinapangako ko, ayaw ko ito sa buhay mo.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Victory Over Anxiety

Ang pagkabalisa ay isang karaniwang tugon sa mga walang-katiyakang bagay na kinakaharap natin sa buhay. Ngunit kung anong ginagawa natin sa ating pagkabalisa—at kung gaano katagal nating hinahayaan itong manatili sa atin— ay siyang susi. Samahan si Dr. Charles Stanley habang binibigyang-liwanag niya ang nakasisirang damdaming ito, at ipinapakita sa iyo kung paano ito mapangingibabawan, at saka tutulungan kang makita ang solusyon ng Diyos para sa pagkabalisa, upang akayin kang tamasahin ang isang matagumpay at puno ng pananampalatayang buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://intouch.cc/yv-victory-over-anxiety