Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtatagumpay Laban sa Pagkabalisa Halimbawa

Victory Over Anxiety

ARAW 5 NG 12

Ang Mapaminsalang Epekto ng Kabalisahan sa Iyong Kalusugan

Ang kabalisahan ay maaaring magkaroon ng mapaminsalang epekto sa iyong kalusugan. Kunwari ay isa kang saykayatrista o sikologo. Gumugugol ka ng walo o higit pang mga oras sa iyong trabaho na nakikinig sa mga tao habang inilalabas nila ang kanilang mga kabiguan, mga problema, at mga kabigatan. Nakikinig ka sa parehong mga tao na ibinabahagi ang parehong bagay linggo-linggo. At kahit na gaano ka pa katalino o kasanay sa iyong mga pagsusuri at paggamot sa kanila, ang pagtatanggal sa kabalisahan ay hindi mangyayari kung walang tulong at pamamagitan mula sa Diyos. (Jer. 30:17a).

Ang mga doktor ngayon ay bibigyan ka ng maaari mong inumin upang pakalmahin ka. Ngunit nilikha tayo ng Diyos upang mabuhay nang masagana at puno ng kagalakan, kapayapaan, at mga gawain—hindi pinatahimik sa lahat ng oras.

Para sa taong patuloy na ginagambala ng kabalisahan, ito ay nagiging totoong karamdaman sa kanyang buhay. Ang sakit sa daluyan ng dugo, sakit sa puso, alta presyon, marami sa mga pagsakit ng ulo, colitis, ulser, sakit sa balat, psoriasis, eczema, pagtatagihawat, at paghina ng panlaban sa sakit ay maaaring magdulot sa tao ng mas malalang sakit. Naririnig ko kayong nagtatanong, "Ang ibig mong sabihin ay iyan ang maaaring maging bunga ng pagkabalisa?" Iyan ang sinasabi ng mga doktor. Iyan ang sinasabi ng mga taong gumagamot sa kabalisahan araw-araw. 

At maraming mga aklat na isinulat ng mga maka-Diyos na kalalakihan at kababaihan na magsasabi sa iyo tungkol sa mga taong pinayuhan nila at sa mga bagay na nangyari sa kanilang mga katawan. Marami sa mga ito ay matutunton pabalik sa bagay na ito patungkol sa kabalisahan. Kapag ang pagkabalisa ay nawala na, ang mga bagay na pisikal ay nagiging maayos. Ganyan nilikha ng Diyos ang ating mga katawan. Nilikha Niya ang katawang ito upang gumana nang maayos. At kapag hindi tama ang mga iniisip ko at puno ako ng pag-aalinlangan, pangamba, takot, at pagkabigo, ito ay makakaapekto sa aking katawan.

Ang mga tao ay nagkakasakit sa kanilang katawan dahil sa kanilang kabalisahan. Hindi nila ito hinaharap, o hindi nila alam kung paano ito harapin. Kaya, winawalang-bahala nila ito. O pumupunta sila sa isang doktor at humihingi ng reseta sa pag-asang mapapamanhid nito ang mga nakababalisang pag-iisip at damdamin nila. Ngunit nalaman ko sa buhay kong may mas madaling paraan para diyan: Hanapin mo kung anong sinasabi ng Diyos sa Kanyang Salita tungkol sa kabalisahan at kung paano Niya tayong tinuturuan kung paano mag-isip at kung paanong harapin ang kabalisahan, at pagkatapos ay ito ang gawin mo.

Para sa maraming tao, mas madaling sabihin iyan kaysa sa gawin. Maraming sumuko na sa kanilang kabalisahan. At hangga't makakapunta sila sa isang doktor at makakuha ng gamot na makakapagpakalma at makakaginhawa sa kanila, panghahawakan na nila ito. Hindi nila nalalaman, nagumon na sila, nasadlak na, at matatagpuan nilang umaasa na sila sa iang tao upang bigyan sila ng isang bagay na huwad upang tulungan silang mabuhay. Iyan ay talagang lubos na kabaligtaran sa uri ng buhay na gusto ng Diyos na ipamuhay ng isang mananampalataya (Juan 10:10). Hindi tayo iyan. Walang isa mang taludtod sa Banal na Kasulatan na umaayon diyan. Sa Kanyang Salita, binibigyan tayo ng Diyos ng solusyon para sa kabalisahan. At bukas, tutuklasin natin kung paanong gusto ng Diyos na harapin natin ito sa wakas.

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Victory Over Anxiety

Ang pagkabalisa ay isang karaniwang tugon sa mga walang-katiyakang bagay na kinakaharap natin sa buhay. Ngunit kung anong ginagawa natin sa ating pagkabalisa—at kung gaano katagal nating hinahayaan itong manatili sa atin— ay siyang susi. Samahan si Dr. Charles Stanley habang binibigyang-liwanag niya ang nakasisirang damdaming ito, at ipinapakita sa iyo kung paano ito mapangingibabawan, at saka tutulungan kang makita ang solusyon ng Diyos para sa pagkabalisa, upang akayin kang tamasahin ang isang matagumpay at puno ng pananampalatayang buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://intouch.cc/yv-victory-over-anxiety