Pagtatagumpay Laban sa Pagkabalisa Halimbawa
Ang Pagkabalisa: Ano Ito
Ano ang pagkabalisa? Kung ito ay naranasan mo na sa iyong buhay, ikaw mismo ang nakakaalam na ang pagtukoy sa napakalawak na hanay ng mga kaisipan at damdamin na kasama ng damdaming ito ay maaaring maging mahirap. Kaya bago tayo pumalaot, gusto kong ipaliwanag ang pagkabalisa sa iyo sapagkat sa palagay ko ay kinakailangang maunawaan ng mga tao kung ano talaga ang ibig sabihin nito.
Ipinapaliwanag ng The Merriam-Webster Dictionary ang pagkabalisa bilang:
Nakakabahalang pagkabalisa o pagkatakot, madalas ay tungkol sa isang paparating o inaasahang masamang bagay; isang abnormal at napakabigat na damdaming ng pangamba at takot, na madalas ay may kasamang mga pisikal na tanda (katulad ng tensiyon, pagpapawis, at pagbilis ng tibok), ng pagdududa tungkol sa katotohanan at kalikasan ng isang banta, at ng pagdududa sa sariling kakayanan na makakayanan ito.
Kapag iniisip natin ang tungkol sa pagkabalisa, ang talagang iniisip natin ay ang damdamin ng matinding takot, pangamba, at pag-aalinlangan tungkol sa mga bagay-bagay. At katulad ng sinabi ko sa babasahin para sa Unang Araw, nakita kong may tatlong pangunahing lugar kung saan ang pag-aalinlangang ito ay nangyayari sa ating mga buhay:
- Kapag tayo'y hindi tiyak tungkol sa isang bagay na nangyayari sa kasalukuyan sa ating mga buhay.
- Kapag tayo'y hindi tiyak tungkol sa mga bagay na nangyari sa ating nakaraan at kung bakit ito ay bumabagabag sa atin.
- Kapag tayo'y hindi tiyak sa ating hinaharap.
Ang mahalagang tandaan tungkol sa nararamdaman nating matinding takot, pangamba, at pag-aalinlangan ay maaring sumahin sa isang bagay: Ang takot sa walang kakayahang magkontrol. Kapag may isang bagay na hindi natin kayang kontrolin at hindi tayo tiyak sa kahihinatnan nito, ito'y nagdudulot ng pagkabalisa sa atin. Sa Bagong Tipan, ang salitang pagkabalisa ay nangangahulugang abala o hinahatak ... ang kabaligtaran ng kapayapaan. Ang "nakakaabalang" iyon"—ang "humahatak" na iyon—ay lilikha ng kapaguran sa atin. At ang kapagurang iyon, mapagtanto man natin o hindi, ay magkakaroon ng malalim na epekto sa ating buhay.
Pagtutuunan natin ng pansin ang nakakawasak na epekto ng pagkabalisa sa ating kalusugan sa Ika-5 Araw ng babasahing gabay na ito, ngunit sa ngayon, nais kong maunawaan mong ang pagkabalisa ay maaari at makakaapekto sa iyong buong katawan. Magkakasakit ka. Hahatiin nito ang isip mo. At kung saan pumunta ang iyong isipan, ang kabuuang kalusugan ng iyong katawan ay doon din pupunta. Kaya nga ang pagkilala kung ano ito at ang matutunan kung paanong haharapin ang buong saklaw ng pagkabalisang ito ay napakahalaga sa iyong buhay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagkabalisa ay isang karaniwang tugon sa mga walang-katiyakang bagay na kinakaharap natin sa buhay. Ngunit kung anong ginagawa natin sa ating pagkabalisa—at kung gaano katagal nating hinahayaan itong manatili sa atin— ay siyang susi. Samahan si Dr. Charles Stanley habang binibigyang-liwanag niya ang nakasisirang damdaming ito, at ipinapakita sa iyo kung paano ito mapangingibabawan, at saka tutulungan kang makita ang solusyon ng Diyos para sa pagkabalisa, upang akayin kang tamasahin ang isang matagumpay at puno ng pananampalatayang buhay.
More