Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Diyos ay Kasama NatinHalimbawa

God With Us

ARAW 7 NG 7

Emmanuel

Anong himala na pinili ng Diyos ng sansinukob na pumarito sa mundo bilang isang sanggol— ang ganitong kadakilaan at kababaang-loob na pinag-isa. Madaling magtanong kung paano ito naging ganoon, at iyon mismo ang ginawa ni Maria nang batiin siya ng anghel na si Gabriel ng balita na ipagbubuntis niya ang Anak ng Diyos.

Tumugon si Gabriel sa Lukas 1:35 RTPV05,  “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos.”

Mahigit sa 600 taon bago ang himalang pakikipagpalitan na ito, binanggit ng propetang si Isaias ang parehong balita tungkol sa pagsilang ng birhen, na idineklara na ang anak ay tatawaging Emmanuel, na nangangahulugang, “Ang Diyos ay kasama natin.” Dito, sinabi sa atin ni Isaias kung sino atano ang kapanganakan ni Jesus, ngunit si Gabriel ang nagdala ng balita tungkol sapaano: “Sasaiyo ang Espiritu Santo…at sa kadahilanang iyon ang banal na sanggol ay tatawaging Anak ng Diyos.”

Habang isinasaalang-alang natin ang himala na "Ang Diyos ay kasama natin" sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo na dumating kay Maria, tandaang magalak na, sa pamamagitan ni Jesus, ang Espiritu Santo ay nariyan pa rin para sa atin ngayon. Nang inihanda ni Jesus ang Kanyang mga alagad para sa Kanyang pag-alis mula sa mundo, sinabi Niya sa kanila na talagang mabuti na Siya ay aalis, na tatanggapin nila pagkatapos ang regalo at kapangyarihan ng Espiritu Santo. Alam mo, sa mundo, si Jesus ay ganap na Diyos at buong tao—maaari lamang Siya sa isang lugar sa bawat oras. Ngunit sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, bawat isa sa atin ay nakakalapit sa Kanya sa lahat ng oras, nasaan man tayo!

Dahil sa kapangyarihan ng Espiritu Santo ay ipinagbuntis ni Maria si Jesus, at ginawang posible upang Siya ay makasama natin sa mundo, Siya ang parehong Espiritu na sinabi ni Jesus na darating sa Kanyang lugar upang makasama tayo palagi. Nang ipadala ng Diyos ang Kanyang Anak sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, nilikha Niya at kinumpirma ang isang walang hanggang presensya para sa mga tumatawag sa Kanya ng Panginoon. 

Ngayong Pasko, pahintulutan ang kapangyarihan ng mga kaloob na itinakda ng Diyos noon pa man ay kumilos sa iyong puso. Kayo man ay nagdiriwang habang naghahapunan at nagbubukas ng mga regalo kasama ang mga mahal sa buhay o natatagpuan mo ang iyong sariling nagluluksa, pakatantuin mong dumating ang Emmanuel para sa iyo. Hindi lamang Siya dumating upang sakupin ang isang sabsaban, isang krus, o isang libingan—Siya ay naparito upang mabuhay sa iyong puso sa pamamagitan ng walang hanggang kapangyarihan ng Kanyang Espiritu Santo. Ang regalo ng Pasko ay palaging nakalaan para sa iyo, at Siya ay palagi mong kasama!

Panalangin: Ama, salamat sa Iyong pagpapadala sa Iyong Anak sa mundo at pagbibigay sa akin ng ganoong regalo upang ipagdiwang sa panahon ng Pasko. Nakakapagpakumbaba na malaman na mahal na mahal mo ako at nais mo Akong palaging kasama. Espiritu Santo, tulungan mo akong alalahanin na kahit nasaan ako, Ikaw ay kasama ko.

 

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

God With Us

Ang Pasko ay panahon ng lubos na kagalakan, na nagsasaad ng kapanganakan ni Jesus, ang ating Tagapagligtas. Maraming mga propesiya sa Biblia ng pagdating ni Jesus, at sa pamamagitan ng debosyonal na ito, titingnan natin ang pito sa mga pangalang ginagamit ng Diyos sa Banal na Kasulatan upang ipahayag ang Kanyang pagdating. Susuriin natin kung paano isinasabuhay ni Jesus ang bawat isa sa mga pangalang ito at kung paano ito naaangkop pa rin para sa atin ngayon tulad noong narito Siya sa mundo.

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: http://www.churchofthehighlands.com